#Ulog1 Kaibigan: Tunay na malalapitansteemCreated with Sketch.

in #ulog6 years ago

Gusto ko lang ishare ang aking karanasan kasama ang aking mga naging kaibigan. Kaibigan tunay at totoo. Laging andyan kapag ikaw ay tuliro, nababagabag at nalulungkot. Minsan naisip ko na paano ko kung wala sila? . Magiging masaya ba ako kung hindi sila naririto sa aking tabi. Minsan nagkakatampuhan, minsan may hindi pagkakaunawaan, pero yan ay parte at pagsubok tungo sa matatag na relasyon sa pagiging magkaibigan. Kaibigan na hadang suportahan ka kahit san ka man naandon. Kaibigan na handa kang pagsilbihan sa bawat bagay na nais mong gawin. Handang tumulong kahit na nahihirapan. Kaagapay sa bawat sandaling nalulugmok sa kabalisahan. IMG_20150101_082921.jpg

SIla ang aking mga naging kaibigan . Katulong sa mga gawain, problema , karamay sa sakit ng kalooban. Madami nang pinagdaanan, nanatiling matatag na parang kabundukan na ilang beses nang dinaan ng bagyo. Sila ay parang boy scout na laging handa. Nagsisilbing bulaklak na nagbibigay ng kagandahan sa bawat yugto ng buhay. Na nagsisilbing liwanag sa bawat paghakbang tungo sa kinabukasan. Nagsisilbing inspirasyon tungo sa magandang kinabukasan. Isa sila sa mga dahilan kung bakit masaya ang aking buhay. Sila ang mga kaibigan na pwede mong hingan ng tulong sa mga oras na ikaw ay nangangailangan. Sila lagi ang aagapay sa atin bawat oras na kailangan natin sila.asas.jpg

Isa sa pinaka-masayang bahagi ng buhay ay ang pagkakaroon ng kaibigan. Yung sa hirap at saya, kalokohan at tawanan ay lagi mo siyang kasama. Maraming ala-ala ang nabubuo tuwing kasama natin ang ating kaibigan at sa tuwing may nakikilala tayong mga bagong kaibigan. Bagaman may kaibigang panandalian lamang natin kung makilala, nag-iiwan naman sila ng mga di malilimutang ala-ala na hanggang sa iyong pagtanda ay iyong dala-dala. Pinagpala ka namang maituturing kung hanggang sa pagtanda ay kasa-kasama mo pa rin ang iyong kaibigang matalik. Tunay ngang ang mga kaibigan ay kaloob ng Panginoon sa atin.
27939010_1836928363004655_1649570523_n.jpg

Lagi kayo nagdadamayan na para kayong tunay na magkadugo at laging nag iiyakan.Di lang sa saya kayong magkasama kundi sa ano mang lungkot,saya at maraming problema.Kayo ay laging magkasama.

Hindi lang sa materyal na bagay kayo magkaibigan.Kundi kung ano ka at kung ano meron ang bawat isa sa inyo ay tanggap nyo.Hindi mo kailangan mamili ng kaibigan ang mahalaga ay magkasundo kayo.Dahil sa Diyos ang lahat sa atin ay mahalaga.Hindi mo kailangan ang humusga dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang kahinaan at kapintasan.Dahil tayo ay tao lamang.

Ang tunay na kaibigan ay di ka ipapahamak kahit ano pa man ang mangyari kayo'y magdadamayan. Marahil ay isa ka sa mga taong may itinuturing na kaibigan. Iyan man ay marami at halos di mabilang, o kahit pa nag-iisa lamang, ang importante ay mayroon tayong kaibigan na nakakasama natin sa lungkot, sa saya o sa problema man. Masarap magkaroon ng tunay na kaibigan. Mga kaibigan nga nama’y daig ang pilak, ginto at salapi, ni minsa’y hindi mabibili ang kanilang pagpapatawad at paniniwala. Sa bawat ligayang iyong nararamdaman, kaibigan din ang gumagawa. Pinapagaan nila ang iyong pakiramdam kung ika’y nakararamdam ng sakit at poot. Iyong ligayang nakakamtam ay hindi nauubos, kahit na ikaw ay kapos sa pera. Sila’y laging andiyan upang ika’y paligayahin at magbigay ng liwanag. Sa tuwing magkakamit ng tagumpay, ang kanilang suporta ang iyong taglay sa lahat ng oras.

Kaya naman sa aking mga kaibigan, maraming salamat sa lahat ng inying natulong. Nagpapasalamat ako nang walang humpay at kayo’y aking nakilala. Maraming salamat sa inyo at ako’y inyong naunawaan kahit na ako’y karaniwang nagbabago ng ugali. Kayo’y mga biyaya ng Diyos. Nawa’y hindi kayo magbago, ako’y mabibigo kung kayo ay awawala sa aking buhya. Ni minsan ay hindi sana kayo mawalay sa aking buhay. Kayo ay mananatili sa aking puso at isipan. Ang inyong mga ginintuang pangalan ay aking iimprenta sa aking puso. Mga kaibigan, nawa’y ang ating samahan ay hindi magbago.

At huli eto ang aking quotes para sa aking mga kaibigan "Spending time with friends is never a waste of time. It's one in a lifetime moment that will surely miss when old ages come."

Maraming salamat sa inyo, Sana'y lagi kayong updated sa aking blog.
Godbless!

Sort:  

Congratulations @rigelmarco! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64266.94
ETH 3077.24
USDT 1.00
SBD 3.87