ULOG Day 7: Kusina ni Nanay Romeskie: Bistek Tagalog

in #ulog6 years ago

Laging Lunes ng hapon umuuwi si yayabelles mula sa day off nya, pero dahil binigyan pala ni Tatay Ritsard si yayabelles ng holiday (nang hindi ko alam) dahil eleksiyon, Martes na ng hapon sila dumating sa bahay. Ibig sabihin, ako ulit ang magluluto ng pananghalian. Sinilip ko muli ang pridyider at may nakita akong baboy na nakababad sa toyo at calamansi. Natakam ako sa naisip ko. Magluluto ako ng bistek! Hindi ko na maalala kung paano nga ba magluto nito pero mukha namang madali lang. Kaya heto po ang Ulam sa Kusina ni Nanay Romeskie: Walastik na Bistek Tagalog.

20180515_122916.jpg

Ang salitang bistek ay hango sa salitang espanyol na bistec. Ito rin ay tagalog na bersyon ng putaheng amerikanong beef steak. (Yan ang sabi ni wikipedia)

Mga kakailanganin

  1. Kawali
  2. Kutsilyo
  3. Sangkalan
  4. Sandok

Mga sangkap

  1. Baboy
    • maaaring yung pork chop o yung kasim. Mas nakasanayan na yung pork chop ang ginagamit para sa bistek pero mas gusto ko yung kasim. Hiwain nang manipis ang laman.
    • pasa mas masarap ay ibabad na ito sa calamansi ar toyo bago pa ang araw na lulutuin na ito para manuot sa bawat hibla ng laman ang sarsa.
      20180515_113650.jpg
  2. Toyo at calamansi
    • paghaluin itong dalawang ito, dito mo ibababad ang baboy
      20180515_114233.jpg
  3. Sibuyas
    • para mas maganda tingnan, hiwain nang bilog bilog. Dahil hindi ko kayang gawin ito, hinihiwa ko na lang nang pahaba.
      20180515_114241.jpg
  4. Bawang
  • dikdikin bago tadtarin
    20180515_114236.jpg
  1. Asin at paminta

Paraan ng pagluluto

  1. Painitin ang kawali sa kalan na may katamtamang apoy.
    • mas magandang painitin muna ang kawali bago ilagay ang mantika para hindi masyadong matagal ang kailanganin sa pagpapainit ng mantika. Mainam din ito para hindi dumikit ang mga iluluto sa kawali.
      20180515_114346.jpg
  2. Lagyan ng mantika
  3. Ilagay ang sibuyas
  4. Isunod ang bawang kapag bahagya nang namumutla ang sibuyas
    • noong elementarya, ang turo ng guro namin ay unang ilagay ang bawang. Pero napansin kong laging nasusunog ang bawang kapag ganoon kaya inuuna ko na ang sibuyas.
      20180515_114545.jpg
  5. Ihalo ang baboy. Lagyan ng paminta at asin.
    • Huwag isama ang pinagbabaran
    • itabi ang pinagbabaran dahil kakailanganin mo ito mamaya
  6. Sangkutsahin
    • takpan ang kawali
    • hinaan ang apoy (napag alaman ko na mas maganda magluto kung mahina lang ang apoy dahil unti unti lang ang pagkakaluto ng karne kaya't nakakapanuot nang husto ang lasa sa bawat hilatsa nito)
    • Hayaang lumambot ang baboy
      20180515_114744.jpg
  7. Pagkatapos ng ilang minuto, idagdag ang pinagbabaran.
    • haluin nang bahagya
    • pakuluin ang sarsa
      20180515_120311.jpg
  8. Tikman kung tama na ang alat at asim ng toyomansi
    • kung tama na sa panlasa ay patayin na ang kalan

Tadaaaaa! At yan po ang Walastik na Bistek ni Nanay Romeskie.

Panlasa:
Tatay Ritsard: Tinanong ako kung adobo raw ba ang niluto ko.
Aya: Nakarami ng kain

Konklusyon:
Masarap naman siguro, niloloko lang siguro ako ng aking esposo. Pero kahit na, hindi kami bati!

Saktong pagkatapos kong magluto ay dumating na sina yayabelles. Sa susunod na linggo na ulit magbubukas ang Kusina ni Nanay Romeskie kung saan ang luto ay madalas ala-tsamba pero sigurado namang bawat putahe ay ginawa nang may pagtitiyaga at pagmamahal.



Thank you for visiting my blog!


I am @romeskie and I love you all!



2123526103.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 65139.82
ETH 3206.69
USDT 1.00
SBD 4.16