Baka at Ako

in #ulog6 years ago (edited)

image

Sa aking paglayo sa tahanan kong nakagisnan puro ako baka sakali sa lahat ng mga naging desisyon ko.
Lumuwas ako ng Maynila baka ako swertihin sa pakikipagsapalaran sa napakasalimuot na Maynila.

Akala ko noon kung makatuntong ako ng Maynila ay baka magkaroon ako ng magandang trabaho. Baka sa Maynila maging maayos ang buhay ko. Baka ang buhay na hinahanap ko ay makita ko sa Maynila.

Hindi pala madali ang mga pagbabakasakali ko dahil sobrang hirap pala ng buhay sa Maynila kung wala kang pamilya at magandang trabaho. Sa umpisa ay mahirap pero nakayanan ko naman.

Sa lahat ng mga baka sa buhay ko nagpapasalamat ako na nalagpasan ko rin ang hirap ng mga pinagdaanan ko na malayo sa aking pamilya. Dahil sa mga pagbabasakali ko natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Naging matibay ako kahit mag-isa.

Kaya ako ay may alaala sa Baka at Ako na nagpalitrato sa Baka ng buhay ko. Lols

Hanggang sa susunod mga kaibigan.

Best regards,

@sheuan

Sort:  

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 71539.00
ETH 3603.23
USDT 1.00
SBD 4.75