Unang Entry ko sa #uloghugot Contest ni @sunnylife Ikatlong Linggo "Saan ako nagkamali...Sa isip ba o sa gawa?" :-)❤️

in #ulog6 years ago

Saan ako nagkamali...Sa isip ba o sa gawa?

Minsan sa buhay ng tao dumadating tayo sa punto kung saan ang ating puso ay kusang nagbubukas at naglalaan ng pag-ibig para sa isang tao. At ang taong ito ay sobrang napaka espesyal para sa atin. Naging sentro siya ng ating mundo, dahil halos araw araw, gusto natin na siya ay nakikita, nakakausap. Gusto natin na lagi siyang makasama at makapiling. Yan ang unang tibok ng puso na tinatawag at ito'y bunga ng isa sa mga pinakamatinding emosyon ng isang normal na tao, ang umibig (yes, inlababo na si ateng).

Oo naranasan ko ang umibig sa unang pagkakataon. Walang kasing saya pala ang pakiramdam kapag ikaw ay tinamaan na ng pana ni kupido. Lahat ng paligid mo ay kulay rosas. Sabi naman ng iba parang nasa ulap cloud 9. Sa ganang aking naman noong ako ay nainlababo sa iyo, hindi lang kulay rosas ang paligid ko at hindi lang ako nasa cloud 9. Alam mo bang mas matindi pa diyan ang aking nadarama noong nag-iibigan pa tayo? Kapag ikaw ay nakikita, nakakausap, nakakasama at nakakapiling, buong paligid ko ay kulay tulips (ayoko kasi ng rosas, masyadong common hehehe, kaya tulips naman for a change ba!) at lampas pa sa cloud 9 ang napupuntahan ko noon (oo na for a change na din ulit bwhahaha)

Tumagal naman sa halos 7 taon (6 years 2 months and 18 days to be exact) ang ating ligawan stage bago tayo nagdesisyon na magpakasal. Tama naman lahat ng mga nakausap natin noon. Sa unang taon ng ating pagsasama ay naging maayos naman at masaya tayo. Biniyayaan ng unang anak. Unti-unti doon ko nakikita ang tunay mong anyo (okay sige na change term), tunay mong pagkatao. Love is Blind...Marriage is an Eye Opener. Totoo pala ito. Kaya naman sinubukan kong ipikit ang isang mata ko dahil nananalaytay pa rin sa aking puso ang pagmamahal ko sa iyo. Alam ko naman na hindi ako perpekto. Parehas tayong may pagkakamali, pagkukulang. Pero ni minsan hindi ko hinanap sa iba ang mga pagkukulang mo. Puso at isip ko ang ginamit ko noong nagdesisyon akong pakasal sa iyo. Wag mo sanang kukwestyonin ang naging desisyon kong ipaglaban kita dahil hanggang ngayon pilit ko pa ring hinahanapan ng kasagutan ang katanungang ito: "Saan ako nagkamali...Sa isip ba o sa gawa?"

Maraming beses na rin akong nasaktan at lahat ng benefit of the doubts ay ibinigay ko na rin sa iyo. Said na said na ang love tank ko pero pinili kong manindigan sa aking desisyon ang patuloy kang mahalin at intindihin. Hanggang sa biniyayaan ulit tayo ng isa pang supling. Kahit na alam kong hindi na rin mababago nito ang iyong pasya. Nagpatuloy akong nagbulag-bulagan. Ginawa ko pa rin ang lahat ng aking makakaya upang maging asawa sa iyo at maging ina sa mga anak natin. Lahat na ng senyales ng iyong pagtataksil ay nakikita ko na ngunit nanatiling pikit ang isang mata ko. Ayokong mabuwag ang ating binuong pamilya. Iniisip ko lamang ang ating mga anak. Ngunit ako ay tao lamang. Hindi naman ako santa. Lahat ng pagtitimpi ko at pagpapasensya ay may hangganan din. Kaya ayon, nakagawa ako ng bagay na sadyang ikinasama ng loob mo. At alam ko hanggang ngayon ay may galit at poot ka pa rin diyan sa puso mo dahil sa paghatid ko sa iyo noon sa impyerno. Huwag kang mag-alala dahil wala na akong balak na ihatid ka ulit doon. Eto nga ako e, nananahimik na lang. Naghihintay na lang ng kasagutan sa tanong na ito: "Saan ako nagkamali...Sa isip ba o sa gawa?"

Siguro nga nagkamali ako sa isip. Inisip ko kasi noon na magbabago ka pa. Na hindi mo kami susukuan, iiwanan, aabandonahin. Alam mo, sa akin ok lang walang problema, kaso damay ang dalawang inosenteng nilalang. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Siguro nga nagkamali ako sa gawa. Nagpadalus-dalos ako sa desisyon. Alam mo bang tanging ang mga anak natin ang iniisip ko noon kaya ko nagawang ihatid ka sa impyerno? Tapos na nangyari na at parehas tayong nasaktan, nagsuffer. Ngayon sana parehas din nating marealized ang pagkakamali natin at isaisip ang kapakanan ng mga anak natin. Nanonood ka ba ng TV? (anong konek ng panonood ng TV sa hugot ko?) Well yon commercial ng Nido yong gatas di ba part 3 na yon? Ang saya di ba nakakakilig! hahahaha

"Saan ako nagkamali...Sa isip ba o sa gawa?"

End of hugot hahaha.

Ito po ang aking entry sa pangatlong linggo ng #uloghugot contest ni @sunnylife, "Saan ako Nagkamali...Sa isip ba o sa gawa?" Isang maulan, malamig at halos mabagyong linggo ng umaga sa inyong lahat, aming mga minamahal na tagasubaybay, kasabayan sa pagtawa, pag-emote, paghugot, mapajologs ka pa o mapa KGG (KaGalangGalang), mga minamahal na steemians, uloggers, hugot kings & queens, kaibigan, kapamilya, kapuso, kabarkada at sa inyong lahat. Ito's simpleng realisasyon ko base po sa aking tunay na karanasan. Ang tanging maibabahagi ko lamang ay kung anong meron ako, hindi ko po maibabahagi ang anumang wala po sa akin. Sana po ay nasiyahan kayo at hindi po nasayang ang inyong oras sa pagbabasa at pagbisita sa aking post. Maraming salamat sa iyo @sunnylife sa pacontest na ito. At kahit matapos na ang lahat ng tema, makakaasa kayong patuloy ako sa paghatid ng aking malalalim na hugot, mga may pinanggagalingang kataga na mula sa kaibuturan ng aking pusong nasaktan, nagmove on, nagmahal, nag steemit at ngayon hugotera pa :-D

Pawang katuwaan lamang po at flaws allowed hwag po kayong matakot o mangiming magsumite din ng inyong mga entry.

Thank you so much and God bless us all.

I am @sashley a.k.a. shirleynpenalosa, a recipient of God's love, mercy and grace. ❤️

Have a blessed and hoping to be a cool month of August 2018 everyone :-)❤️

I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything that I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤️ :-)


(thank you sis @sunnylife)

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

@paradise-found is a wonderful person, a very humble and generous encourager, let us also support him by voting and typing in "gratefulvibes" at the search box. Please do check out @paradise-found's posts for the great announcement, our dear Papa Bear :-)❤️ Please join the curation trail. :-) And win SBD :-)


(Photo credits: mam @sunnylife)

Please check this link and join our prayer warriors here in steemit https://steemit.com/christian-trail/@wilx/christians-on-steemit-let-us-follow-and-support-each-other-pt-7-join-the-christian-trail

Other good witnesses to recommend:

@yabapmatt
@teamsteem
@jerrybanfield
@hr1
@acidyo
@blocktrades
@curie
@beanz
@arcange
@yehey

They need our support

Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG


(credits to @bloghound)


(credits @jhunbaniqued)


This post was made from https://ulogs.org

Sort:  

nice

This comment was made from https://ulogs.org

thank you for dropping by :-)

many letters :)

hahahah I'm sorry if you can not understand this post sir, it's written in Filipino language :-D
Thank you so much for the visit and support sir :-)

ayy grabee sis ang bilis talagang humugot ni #hugotqueen
sis balikan ko mamaya ulet hahaha
grabee talaga ang bilis!! panalo ka tlga sis!
rock n roll!

bwhahahaha hindi naman sis alam mo kasi pag pg ganitong maulan at halos ndi na kami makalabas ng bahay dahil ndi tumitila ang ulan napapahugot na lang ako...buti na lang hindi black out kasi pag bumabagyo at walang kuryente malamang sa notebook ko ito nasulat bwhahahaha :-D

❤️

This comment was made from https://ulogs.org

Grabe sis ang tagal ng ligawan huh! panalo! meron ngayon 7 seconds sis tapos na. Salamat sa pag bahahagi ng iyong pag ibig. Atleast naranasan mong mag mahal ay minahal. Nakabangon ka na at lalong gumaganda araw-araw kahit wala sya sa iyong piling (naks)

God bless your family sis.
Isa kang matatag at huwarang ina! Mabuhay #hugotqueen.

bwahhahahaha natawa naman ako don sa 7 seconds sis hahahaha...Tama ka sis masaya ako kasi kahit ganito ako naranasan ko ang magmahal at mahalin kahit na sandali lamang (12 years din yon plus un almost nga na 7 yrs na pagiging magkasintahan o di kulang kulang naka 18 yrs din bwhahaha 12 yrs as married bago nagbreak bwhahaha break tlga!) hahahaha need ko mag-ayos ayos din ng konti sa sarili ko sis kasi need sa work daming papalicious at mamalicious bwhahahaha kaya dapat presentable kasi ako ang frontliner bwhahaha kumbaga sa gyera ako unang sasalo sa mga pasabog na bomba dinamita granada at kung anu anu pang pasabog kaya dapat mukha akong matibay at subok na matatag bwhahahaha para sa ekonomiya :D

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 64060.81
ETH 3129.62
USDT 1.00
SBD 4.17