#ulog No. 8 : Home sweet home on rainy day

in #ulog6 years ago (edited)

20180610_112817_PerfectlyClear0001.jpg
Nakauwi na rin sa wakas!! Kagabi mga alas otso nkarating kami ng Baguio bus terminal. Pagkababa ko ng sasakyan, ramdam ko na talaga ang simoy ng hangin kasabay ng malakas na ulan.

Ngayon, kahit umuulan, lumabas pa rin ako. Nakakamis din gumala sa La Trinidad.
20180610_112815_PerfectlyClear.jpg

Ang una kung ipapakita sa inyo ay ang Valley Of Colors (STOBOSA) dahil ito ang pinakamalapit at katabat ng bahay namin. 20180610_112836_PerfectlyClear0001-02.jpeg
Nakakaproud na ito ay dinadayo ng mga tourista ang aming lugar dahil dito. Ang STOBOSA ay hango sa Favelas of Rio de Janeiro in Brazil at ang Gamcheon Cultural Village of Busan in South Korea. Galon galon na pintura ang ginamit para matapos ang proyektong ito ng gobyerno ng ilang buwan.

Dati,ang lugar na ito ay simple lang, payak at walang kakulay-kulay. Hindi pinapansin ng mga turista ngunit iba na ngayon. Halos araw-araw na itong pinapasyalan at binibisita.
20180610_112917_PerfectlyClear0002-01.jpeg
Ang proyektong ito ay kasama sa (Rev-up, Revive, Revisit, Revitalize) ng Urban Redevelopment Tourism Program ng Rehiyon ng Cordillera.
20180610_112909_PerfectlyClear0002-02.jpeg

Sa mga susunod na post ko. Akin namang ibabahagi ang mga litrato ng ibang magagandang lugar dito sa amin.

Ito po si @skyphotographer para sa aking #ulog ngayon na plataporma ng isang magaling na steemian @surpassinggoogle.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66441.00
ETH 3217.31
USDT 1.00
SBD 4.22