How was your Monday?! #ULOG 6/4/18

in #ulog6 years ago

I'm awake since afternoon of Sunday - after church, tambay bahay kain pizza kame.
Kase nga pang gabi trabaho ko. So nasanay ako na gising ako ng gabi, tulog sa umaga. Anyways, Monday started early for me, tambay sa kwarto, laro ng Mobile Legends since tulog si misis at si kulot (our son).

12:00 AM. Greeted our bunso dahil Birthday nya. Happy Birthday bunso!!! :D

Madaling araw: Mobile Legends - bad trip. Talo ako sa ranked games! hahaha. Palipas lang din naman ng oras paglalaro ko dahil nga hindi ako makatulog. Binabantayan mag ina ko habang mahimbing silang natutulog. Sa labas ng bahay, may mga nagiinuman. Hindi ko na rin matandaan kung kelan ako tumigil sa pag inom. I remember the days. :D

Napansin ko lang na sobrang likot pala matulog ni kulot. Ikot, upo, at nagsasalita pa. Nananaginip siguro. Hahaha! Gigising para manghingi ng milk nya. Nagutom ata. :D

Ayun lang ginawa ko magdamag. Hahahaha!

6AM - Palengke time. Dami ng estudyante na nag;a;akad. Excited siguro sila sa first day of school. Yung iba hatid pa ng magulang. Naalala ko nung unang pasok ko sa kinder. Yes! Natatandaan ko pa. Hinatid ako ni Ermats, may baon akong hansel at orange juice. Apat na kanto lang layo namen sa school nun. Pwede na nga akong umuwi at pumunta magisa. Hahaha.

Palengke: Bibili ako ng isda para i-SARSYADO kay suki. Kamustahan, konting kwentuhan, tawanan. Tilapia sana bibilhin ko pero sabi ni suki e baka daw amoy "Gilid| na. Yun yung may kakaibang lasa pagdating sa tyan ng isda. So, "GG" o galunggong ang uwi ko. Php100 pasa sa 3/4 kilo - 9 meduim pcs. Nagmamahal na din pati presyo ng isda. Lipat sa kabila para sa Kamatis, bawang, sibuyas - isang kilo ng kamatis Php 40. Ayus! Eto nagmura. Lipat sa kabila pra sa itlog.

Uwi! Luto! Magkape! Kopiko Magkapera 3!!!

Ako nagluluto sa bahay dahil na din sa schedule ko. Lumalabas ako sa trabaho ng 6am - derecho palengke nako para makapagluto paguwi.

8AM: NBA TIME!!! Cavaliers Vs. Warriors!! LEBRON JAMESSS!!! ---- Talo. Hahahaha!!! Bawi tayo sa Game 3!!!
#WhatEverItTakes

After manood, laro kame ni kulot. May bagong kinagigiliwang palabas - si TITIPO! hahaha! Cute na train, kaibigan ni Tayo the Little Bus. Di ko lang alam kung alam nyo. Hahahaha!

12Noon - TULUGAN time! Grabe init. Sa sala ako natutulog para kahit papano e nakikita ako ni kulot. Byenan kong babae nagbabantay sa kanya pag may trabaho si misis at tulog ako. In case of emergency, madali akong gisingin. Tsaka, tipid sa kuryente. Hahahaha!

6:30PM - Gising na!!! Nuod balita, kain dinner - yung sarsyado ulit. At magreready na pumasok! INIT PA DIN!!! Hahahaha!

How was your Monday?!

-No pictures taken :( Di ko alam kung bakit pero parang kailangan ko maglagay ng pictures ko para sa mga Ulogs ko dba? Hahaha. stock-photo-coffee-monday-ad09fe1a-33c2-44c0-ac5a-1e132275ada9.jpg

Sort:  

Thanks for being a ulogger and using the ulogs tag. Best of luck with your rank games. Tuesday is going to be better.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63754.85
ETH 3055.95
USDT 1.00
SBD 3.85