#ulog no.16 : Long distance relationship (LDR)

in #ulog6 years ago (edited)

Hi good evening guys!

It's been a long time since na nakapagblog ako, busy kasi ako lately at marami inaasikaso sa school at sa bahay
( ulirang nanay at manugang ang peg)🤣🤣
I just wanna say thank you to sir terry or @surpassinggoogle for supporting my blog every time

#Babetime sa gabi bago matulog💕💕
CYMERA_20180621_230959.jpg

CYMERA_20180621_230546.jpg

ganyan kami bago matulog..
Hindi pwedeng hindi tumawag bago matulog o mag video call kapag may load kami pareho. Mahirap ang long distance relationship pero para sa future ng mga anak namin kinakaya namin dalawa, tiwala lang daw at respeto sa isa't isa ang kailangan para mapanatili ang magandang pagsasama ng mag asawa.

Minsan may mga oras na gusto ko ng mapagod mag antay kong kaylan ba sya makakauwi at kong kaylan ba kmi makakapag ipon ng marami rami para hindi na nya kailanganin pa bumalik ng maynila para magtrabaho maibigay lang ang pangangailangan namin ng mga bata para sakin kahit simpleng buhay lang sana okay na ko kaso lumalaki na din ang mga bata kaya lumalaki na rin pangangailangan nila kaya kahit na may dinaramdam na syang sakit ng likod ay sige parin sya.. Naawa na din ako sakanya kaya gusto ko ng magsimula magnegosyo ang kaso wala pang puhunan.. Hehe pero soon magkakaron na din tiwala lang sa diyos😉😊😊

I believe na darating din ang time na makakauwi sya at dina babalik pa ng maynila para magtrabaho, mag iipon lang kami pang negosyo. Makakauwi din sya pinagdadasal ko yan talaga na sana matupad na namin ang dream namin mag asawa para magkakasama nalang kaming apat . Tiwala lang sa diyos na lahat ng bagay makakaya basta nagtutulungan at nagmamahalan😊😊😊

Thank you guys for dropping by til next time.. See yah!😊😘

please dont stop supporting my blog @wilson29 and also lets support and follow sir terry also known as @surpassinggoogle.

❤️@wilson29😘😘

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64014.44
ETH 3064.06
USDT 1.00
SBD 3.86