Ulog 25: KARAY-A AKO KOMIKS 2 : "KUDOG" (Nginig)

in #ulogs5 years ago


(Ang drawing na ito ay sariling konsepto at guhit ng may-akda)

Heto po ang aking pangatlong komiks na inihahandog sa komunidad ng #steemit. Kung hindi pa ninyo nabasa ang mga naunang komiks ko na ginawa ay narito po ang link:

  1. KARAY-A AKO KOMIKS 1: "Mongol" .
  2. KARAY-A AKO KOMIKS 2: "Imbento" .

Para maiba naman sa dati kong ginagawa dito sa #steemit ay napagpasyahan ko na gumawa ng komiks. Ito ay sa layuning mapagyaman ang isa sa mga dialekto sa Pilipinas partikularmente ang "Karay-a" o"Kiniray-a" na dialekto na halos kahawig ng "Hiligaynon" na dialekto sa Visayas.

Ang karay-a na dialekto ay maari mong mapakinggan sa mga Kabayang ipinanganak o nakatira sa Panay Island lalo na sa probinsiya ng Iloilo at Antique.

Sisikapin ko na maisalin ito sa tagalog at/o english para sa ikauunawa ng mga mambabasa. Subalit hindi ko maipangako na ang mga ito ay may parehas na "sense of humor" kapag naitranslate na.

Subalit inyo pong aasahan na ang mga susunod ko na komiks ay may translation sa tagalog o english o hindi kaya ay nakasulat na sa nabanggit na lenguahe kung ito ay angkop sa mga temang komiks.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aking mga gawa.


Pagsasalin sa Tagalog/Filipino:
1st Frame:

Mga Bata: Lolo! Lolo! Sobrang init. Bilhan nyo po lami ng Ice Cream para naman po malamigan kami.
Lolo: Ay, wala akong pera mga apo. At saka, mahal ang ice cream.

2nd Frame:
Mga Bata: Eh, kasi sobrang mainit. Paano napo yan lolo?
Lolo: Aha! Meron akong naisip para lamigin kayo.
Mga Bata: Talaga po, Lolo? Ano yun?

3rd Frame:
Lolo: Kukwentuhan ko kayo tungkol sa nakakatakot na aswang! Tingnan ko lang kung hindi kayo MANGINGINIG sa sobrang takot!

Mga Bata: Nanay ko! Nanay! Nanay ko po!

(Sorbetero: Makauwi na nga lang!)


Photo shot: Lg4 ; Edited through camScanner app.


Disclaimer: Maari pong sa inyo nanggaling ang mga original jokes na magagawa ko o magkaroon tayo ng pagkakahawig. Ang mga jokes sa aking sariling koro-koro ay nagkakahawig o nagkakaparehas paminsanminsan dahil siguro ang tao ay mayroong halos magkaparehas na karanasan anuman ang kanyang estado sa buhay. Ang mga jokes ay kadalasang naiisalin sa pamamagitan ng salita lamang at kung minsan ay napupulot din natin sa mga nililimbag na nga artikulo at dahil nakarelate tayo ay atin itong ibinabahagi sa akmang pagkakataon at sitwasyon. Layunin ko lang na ipublish ang mga katawa tawang mga karanasan sa pamamagitan ng komiks upang maisalin ito sa susunod pa na henerasyon. Subalit kung ito ay copyright maari nyo po akong tawagan ng pansin agad at ipakita ang ebidensiya ng inyong copyright para po maayos natin at maisaalang alang ang inyong karapatan.


==========V=0=T=E==F=O=R===========
Have you voted your witness?

Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @enginewitty, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community. Also special mention to @therealwolf for maintaining a healthy bot upvote system.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

=========S=T=E=E=M=G=I=G=S=========

Much love, God bless!

Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of inspiration.

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64678.67
ETH 3086.68
USDT 1.00
SBD 3.87