Lenie, ang makabagong estudyante: INTRODUCE YOURSELF

in #untalented6 years ago (edited)

leni.jpg

Dear Diary,

Oy musta na!
Ang saya lang Linggo na ito eh. Ang latest ng ginawa namin sa iskul. Sa sobrang latest ay naku tinabunan ang kinita ng IMPINITI WAR. Di ko nga mapaniwalaan saan nakuha ng mga titser yung ganap na yun eh. Exciting teh. Pamatay. Mas pamatay pa sa kilay kong ang hirap ipantay. Sa maniwala kayo at sa hindi bawat subject namin kami ay nag-INTRODUCE YOURSELF. O di ba bagong-bago.

217.jpg

O teka lang. Bago ka maghanash dyan. Di pa nga ako tapos dami mo nang banat ( unatin ko gulugod mo eh!). Oo nga nag-introduce youself kami. Oo alam ko alam mo na yon at gasgas na. Patapusin mo muna ako sinabi eh.(ikaw na lang kaya magkwento) O di nag-introduce yourself nga kami bawat subject pero ngayon may twist. Oo twist (alam mo ba yung twist). Biruin mo ba naman ( wag mo biruin baka magalit) may pabudots. Kapag tapos mo na ipakilala ang sarili mo tatanungin ka ba naman ng TAGA-SAAN KA! ( to-to-toot to-to-toot to-to-toot-toot-toto)

Ang saya lang. Mga sadista din yung mga titser na yun eh. Wala ng mapauso maliban sa ambagan( haha, totoo naman) Pero ang galing ah naisip nila yun. Magkahalong kahihiyan at pabebe ang mga nakita ko eh. Pasayawin ka ba naman sa harapan tapos mga kaklase mo nagbe-*beat* na may kasamang palakpak (sisa lang ang peg). Daig mo pa napagtripan sa kanto eh. Ano kayang nainom ng mga tao ngayon. Baka nahalo na ang sangkap ng katol sa hangin ng di natin alam.

Buti na lang game ako sa ganyan. Magpapabebe pa ba ako?! Sayang naman ang pagiging peymus ko. Kung di ko sasakyan ang kalokohan na ito. Since I am good english,of course, I introduce myself in this language ( ha, honor yata ako pero sa sarili kong mundo). Ganito yung sinabi ko eh.

"A pleasant morning to everyone. My name is Leonila Matilda Guidote y Arespacochaga. I'm 18yrs of age. From the city of SuMakah Festival... Suman, Mangga, Kasoy, Hamaka ... where the people are friendly and flamboyant... Antipolo City! ( pasigaw ng nakapamewang) . I believe that to be successful you need to have a goal , believe in that goal and do all means to survive it. And I thank you!"

(sabay sayaw sa saliw ng to-to-toot to-to-toot to-to-toot-toot-toto)Tapos mowdelling pabalik sa upuan. (Oha!) Well!

Oh Edi palakpakan ang mga tao. Peymus eh, peymus. Ewan ko lang kung di pa ako mapansin ng crush ko nyan.
Pagkatapos nyan wala ng nakabeat ng ginawa ko. Pangmalakasan yung ginawa ko eh. Haha! kahit yung mga nagmamagandang bakla dun... haha taob!. Mga nag-uumisplit pa sila. Ewan ko ba bat di pa mapisa itlog ng mga yun. (plakda eh, hanep eh).

Pero ito talaga yung nagpaganda ng araw ko eh. Si Mildred. Oo si Mildred yung di ko mawari kung number one fan ko o inggeterang palaka lang ba sya. Wala ng ginawa kundi gayahin ako. Bata pa lang kami gaya-gaya puto maya na talaga yun. Lahat na lang gagawin ko gagawin din nya.

Ganire, nung elementary sumali ako sa dance club. Hilig ko naman talaga magsasayaw (nagsimula ako sa pearly shell). Mas nakakapag-aral ako ng maigi kapag naeksersays ko katawan ko. Mas ganado at gising ba ang utak. Aba ng malaman eh nag-audition din. (copy cat talaga) Eh hindi naman sya talaga nasayaw. Sayawin ba ang "Lets get Loud" ni ate mong Jennifer Lopez. Edi nagkandadudulas sya at nagkandapilipit mga paa. Wahahaha. Laughtrip talaga. Pero sigeh sya sayaw. Nakangiti pa rin kahit nagdudugo na tuhod wahahaha. Pero natanggap naman sya. Ayun tagagawa ng props haha.

Pakatapos, nung high school sumali akong writer ng school paper. Syempre yung english publication ( matalino ako eh). Aba, ang palaka nagsusumulat na rin. (Talagang di ako lulubayan). Pinakiusapan ko na lang mga friendship ko tanggapin dahil kaawa naman.

Basta me bagong akong damit o sapatos kamakalawa meron na rin sya. Magpagupit ako ng buhok papagupit din ang loka. May bago akong maibigang banda o kanta gusto na rin nya. Kung saan ako dun din bubuntot buntot. Minsan gusto ko na nga tanungin kung konsensya ba kita. Magkamukhang-magkamukha na kami eh. Iba lang talaga tabas ng fez dahil medyo mahaba ang baba nya. ( pero mas mahaba baba ng nanay nya)

Pero di ko naman makuhang magalit dahil idol daw nya ako. (idol, ay duling) Si Mildred ay kinakapatid ko. At para ko na rin sya talagang kapatid. Sabay kami lumaki at magkaibigan mga magulang namin. Nag-iisa lang syang anak at single mom ang nanay nya. Madalas sya iwanan sa bahay namin kapag nagtatrabaho na nanay nya sa munisipyo. Palibhasa nag-iisa nga lang akong anak na babae eh gustong-gusto sya ng mga magulang ko. Bata pa lang ako eh pinagkakambal na kami ng mga magulang namin. Ito namang Mildred, ang hinayupak, payag naman ng payag eh ayoko nga sya maging kalahi dahil ang haba ng baba nya ( pero mas mahaba talaga baba ng nanay nya)

Ang balita sa looban namatay daw tatay nya habang naghahalikan sila ng nanay nya. Inatake daw sa puso. Kamo natusok ng baba ng nanay nya kaya maagang nategi. Wahahaha. ( oy teka ang bad ko na)

Pero teka balikan natin yung introduce yourself ni Mildred. O edi eto naman ang lola nyo. Syempre idol nya ako edi gaya-gaya na naman. Nagpaalam naman sya kambal nga raw kami (bigyan nyo lang ako ng isang milenyo para maiproseo at maccept ang bagay na ito). Sabi ko lang wag nya gagayahin ang quote ko. Isip sya ng kanya.

O edi ito na. Nakapamewang pa ang loka. Ganda ng tindig una ang dede. Yun lang naman pambato nya. Nagtanong pa kung pwede daw magtagalog. English class nga eh. Edi dapat english. (kakulit) Yung punchline lang na "taga saan ka" ang tagalog.

Standing in front of you. A beautiful stunner (palakpak naman ako, ang galing eh). Im 18years of age. From the land of SuMaKah Festival... Suman, Mangga, Kasoy, Hamaka, Antipolo City (so gayang-gaya nya nga ako). I believe that to be successful you must have a dream. Then believe in the power of your dreams and survive. Starstruck. And I thank you
(tinakpan ko na lang notebook ang mukha ko. Kopyahin ba naman ang tag line ng sikat na reality show)

Nag-intay sya tanungin ng taga-saan ka at beat yung to-to-toot to-to-toot to-to-toot-toot-toto. Kaso wala. Wala eh. Katahimikan sa buong room. Kita ko na unti- unting nalulusaw yung pinraktis yang pang Miss Universe na ngiti. Yung abot sa magkabilang dulo ng EDSA. Pero nakatindig pa rin ang palaka. Di patitinag. Ang tatag. Gusto rin magbudots ng hitad.

Tinapik sya ng titser sa balikat. "Iha nakalimutan mo pangalan mo".

Kaya naman pala. So, nag-iintayan ang audience at sya kung sasabihin pa ba nya pangalan nya o kung magtatanong na ba kami ng taga saan ka. Baklang ito. Sablay na nga ang quote nakalimutan pa pangalan. Kung di ko lang talaga ito kasabay lumaki itatakwil ko ito eh.

O edi sinabi na nya pangalan nya. Maria Maxene Midred Medina y Pineda. Para iwas pahiya ako na nagtanong ng kay lakas. Mildred, taga saan ka? ako na rin ang nagbeat to-to-toot to-to-toot to-to-toot-toot-toto. Dahil peymus ako, sinundan naman ako ng lahat. Edi natupad din pangarap nyang magsusumayaw. (pasayawin kita hanggang Pasko eh)

Pero kahit ganyan yan si Mildred... kahit mahaba ang baba nyan (ganyan na talaga yan) ... makikipag-away ako kapag inapi yan. Tinuring ko na talaga syang kapatid kahit nasusuya akong minsan sya ang tinatawag na Lenie pag nakatalikod kami parehas (hello ang haba ng mukha nya noh, ang layo sa fez ko). Pero itong si Mildred kahit okray-okrayin ko yan. Ok lang sa kanya. Sports at kwela rin itong si Mildred. Mabait at matulungin din siya. Matalino rin naman. Hindi lang talaga sya pangpeymus gaya ko (salamat sa baba nya). Hindi rin naman padadaig ang babaeng yan. Palaban din yan. Ikaw ba naman lumaki na halos walang laging kasamang magulang. Di rin yan papaapi. (hello takot lang nila. Eh baba pa lang nya pang selfdefense na!)

Nung elementary, habang nagdudugo tuhod nya nung audition at kahit tawa ako ng tawa nag-alala pa rin ako sa dugo nya. Pinilit nya tapusin yung "Lets get Loud" kahit sa totoo lang gusto ko na tawagan ang red cross. Akala ng mga hurado paepek lang nya yun. Di nila alam buong magdamag at walang tulog nyang pinraktis yun.( yung sayaw hindi yung padugo)

Nung high school ng matanggap sya bilang writer sa school paper, dun ko nakita na meron talaga pala siyang talent sa pagsusulat. At kahit sabihin na kambal kami ok na rin sa akin. ( basta sya yung mahaba ang baba) kasi sa lahat ng bagay at pagkakataon sa buhay hindi naman ako iniwan ni Mildred. Sanay na kaming okrayin ang isat-isa. Kami yung magkapatid pero magkaiba ng magulang.

Di man ako nagkaroon ng kapatid na babae sa tunay kong mga magulang parang meron na rin akong sisteret, bestfriend, kambal, at partner in crime sa babaitang ito. Pag ako talaga yumaman papatapyas ko baba nya eh baka kasi masaksak pa nya sarili once yumuko sya. Maaga pa syang mategi. Edi wala ng 2nd rate trying hard copy cat. Wish ko lang sana mahanap na nya ang sarili nyang identity.

I love my beshy, si Mildred. Uulitin ko ulit ang INTORDUCE YOURSELF KO

A pleasant morning to everyone. My name is Leonila Matilda Guidote y Arespacochaga. I'm 18yrs of age. From the city of SuMakah Festival... Suman, Mangga, Kasoy, Hamaka ... where the people are friendly and flamboyant LIKE MY TWIN SISTER FROM A ANOTHER MOTHER, MILDRED (sabay turo sa baba nya)...I live in Antipolo City! ( pasigaw ng nakapamewang) . I believe that to be successful you need to have a goal , believe in that goal and do all means to survive it. And I thank you!

O sya ang haba na nito. (baka hindi na basahin ni Toto)

ITS ME,

Lenie, ang beshy ni Mildred

pinagkunan ng larawan

1
2
3
5
6

Sort:  

nyahaha! mas gusto ko ang pasok ni Mildred sa kwento. nakaka-enjoy ang character niya. ayaw na namin kay Lenie. hoooooh! Lenie resign! Lenie resign! Ay teka, iba na pala un. nyahaha! 😂

mamatas lodi @johnpd.
kelangan daw ng beshy eh
ibang Lenie nga ata yung pinagreresign mo :)


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you so much c-squared for considering Filipino works. More POwer

malala nato... eto ba ung napupulot mo sa pagbebenta ng atsara? hahah good reads to...kita mo nmn pinagreresign pa ni @johnpd ung vice president nyo... anyway inapprove q to so may libreng atsara nako nyan?

haha, ang saya ko .Kakauwi ko lang galign raket. bawing-bawi ang pagod sir @kendallron.
Sana malaki upvote para di lang asara master may patocino pa haha.
Sobra akong nainspire sa gawa mo eh. Sobrang layo pa nitong gawa ko. Hanggang ngayon naiisip ko pa yung fight scene sa buhanginan :)

Pearly Shell Girl bwahahahaha, Habeyyy

Hindi naman mahaba baba ko beshy ah!

luh sya. hindi ikaw yan. nakuha idea sa pic na binigay ni @johnpd. Yung pinakamababa :)
mamats sa pagbabasa :)
love love love

following sa buhay studyanteng lenie..heheh..now ko pa to napansin.. ang saya lang..

salamat po @amayphin...nasa ikatlong page na sya ng diary nya :)
sana po abangan nyo po ang susunod hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.33
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66530.34
ETH 3251.57
USDT 1.00
SBD 4.36