How Are You My Steem Buddies...Kamusta Ka Na!

in #untalented6 years ago

IMG_20180610_130125.jpg

Kamusta ka na?
Matagal tagal na rin pala
Mula nang tayo'y magkakilala
At naging malapit sa isa't isa

Tanda mo pa ba ang ating pagkakakilala?
Kung pano mo ko inasar asar pero sa huli pareho tayong tatawa?
Kung pano natin ibahagi ang kuwento ng isa't isa
At pinagsaluhan lahat ng alaala?

Kasi oo, tandang tanda ko pa
Mga araw na tayo'y masaya
Kahit pa hindi tayo nagkikita
Pero walang pantay pa rin ang ligaya sa twing kausap ka

Sa loob ng apat na buwan
Na pinagsaluhan nating kulitan
Ang mga tampuhan at iyakan
Masasabi kong ito'y isa sa mga pinakamasasaya kong buwan

Malayong malayo ka man
At tila isang suntok sa buwan
Ngunit alam ko naman
Na di ko na mapipigilan ang nararamdaman

Sabi nila'y bobo ako
Dahil nahulog sa isang tulad mo
Kahit daw walang kasiguraduhan na ika'y totoo
Pero ika'y pinaglaban kahit na katumbas nito'y pagsusugal sa puso ko

Ika-labing apat ng Pebrero taong dalawang libo at labing pito
Sinubukang ipahayag ang nararamdaman para sayo
Pero masyadong naduwag si ako
Kaya idinaan na lang sa paggawa ng ganito

Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman
Dahil ako'y sumulat kahit walang karanasan
Nag-aalalang hindi mo magugustan
Pero sa tingin ko'y di mo naman ito nabasa kaya pano ko malalaman?

Sa paglipas ng panahon
Sitwason nati'y nanatili pa ring ganon
Pero kontento na ako dun
Hanggang sa dumating ang araw na yon

Ang araw kung saan nagbago ang lahat
Ang araw na pinaka ayaw ko sa lahat
Ang araw na tila nakalimutan mo na ang lahat
Ang araw kung saan ako para saiyo ay di na sapat

Lumipas man ang matagal na panahon
Ngunit ang ating alaala'y mananatiling nakabaon
Hindi sa ilalim ng balon
Kung hindi sa pusong nagmahal sayo noon

Ngunit wag kang mag-alaladahil ang nadarama para sayo noon
Ay pagmamahal nalang bilang isang kaibigan ngayon
Pero sana'y tandaan mo na mula noon magpahanggang ngayo'y
Hangad ko pa rin ang iyong kasiyahan kahit ako'y nasaktan mo noon

Gusto ko lang din magpasalamat
Kasi dahil sayo'y ginusto kong maging manunulat
Ikaw ang naging rason at ang mga pinagdaanan nating ang nagsilbi kong inspirasyon
Kung bakit ako sumusulat at patuloy na susulat ng mga tulang kagaya nito sa susunod pang taon

Hiling ko ay sana'y wag mong kalimutan
Ang mga alaalang ating pinagsamahan
At merong ako sa iyong nakaraan
Paalam at hanggang sa muli aking kaibigan.

Your Steem Buddy,
@nickjon

photo is mine captured with vivo y66 with 16 mega pixels camera

Sort:  

Wow! Puede pang PGT :)

Thank you!

Parang si prince makata hehe

Hahaha.....salamat!

Baka dito mo nabighani ang iyong asawa sir.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66441.00
ETH 3217.31
USDT 1.00
SBD 4.22