"Word Poetry Challenge #:6 Aking Ina"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

AKING NANAY

beach-child-clouds-325265.jpg

Photo Credit Here

Propesyun mo ay guro
Di baleng ika-apat na baitang lang po
Sa buhay ay gabay
Sa kahit na anumang bagay
Sa kaalaman mong binigay
Unti-unting natuto kahit sa simpleng gawing-bahay
Di man sa akademya
Sa payo naman ay punong-puno.
Nakakabingi, minsan paulit-ulit
Ngunit di alintana'y sa paglipas ng panahon itoy nagamit.

Naalala ko isa ka ring referee, Sa dami ng anak mo Siguradong magulo Andyan ang suntukan kami at batuhan Ngunit yong puno kana'y, kami binigyan tig-iisang itak, Sambit moy, O ayan kayo magpatayan! Sa salita mong kay lumanay Kamay naman namin wari nalumbay Itak ay nabitawan
Isa karing chef Di man sa restaurant. Buong buhay mo ay nakalaan sa pagsaing, Gabundok na bao niluto maging uling. Na syang pinagkukunan nating ng makakain. Mabigat, ang isang sakong karga mo Mainit, ang apoy na kalaban ng yong kamao. Ramdam ko ang pagtitiis ay labis, Bagaman walang narinig Mula sa yong bibig.
Syempre isa ka ring doktor, Sa tuwing kami may lagnat, Ayun, sa kamay moy malaking elorde at Royal Sa amin pinangatngat Bakit naman kase ngayon yan e, wala naman akong linamnam. Sa tuwing may ubo Ito dahong pito-pito, inumin mo. Ah, kay pait, pagkabukas naman Uboy, walang sinambit. Kapatid kong masakit ang 'ipin Sapat na sayo nakalambitin Ginawa kang mismong gamot Kaya ako nayamot, pagod ka nga naman. Ngunit akoy napahanga, pagkabukas ayon ang saya-saya Ano ka nga ba aking ina?
Kulang ang ilang pasalamat Sa lahat-lahat Kulang ang mga patawad sa pagkakamali Gusto ko lang sabihin ang pagbati At maiparating na "Mahal Kita" Di ko man parating naipadama Dahil tayo ay malayo sa isa't-isa Ikaw ay laman ng aking isip at puso, Aking nag-iisang Ina.
Kahit di ito contest, gagawin ko parin ito.Hindi kase ako ganun ka vocal at ka appreciative na tao dati, kaya bihira lang ang panahaon na nakapagsabi akong na "I love You Nay." Most of the time, ipinapakita ko nalang sa gawa. Mahirap isipin kong saan ako magsisimula pero nong simulan ko na ang pag sulat. Ayon ang dami dami pala. Napaka swerte natin dahil may nakagisnan tayong ina, yung iba wala. Kaya deserve ng bawat ina ang ganitong tula. Pag-uwi ko sa susunod ipapakita at ipapabasa ko sa kanya tong likha ko.

Sort:  

Tulang may hubog. Ramdam ko kung gaano ka pinahalagahan at gaano mo pinapahalagahan ang iyong ina. Nawa'y manalo ka sa paligsahang ito. Good luck @amayphin!

win or win! hehhemm di bale para sa nanay ko naman talaga to....next time sa tatay naman para fair sila..baka magtampo mga tatay natin..heheh..

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.039
BTC 70112.96
ETH 3549.99
USDT 1.00
SBD 4.71