"Word Poetry Challenge #7 : Simbahan"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

SIMBAHANFB_IMG_1528886567030.jpg

ding ,dong,ding, dong
sa may kalayuan dumadagundong
kampanang sumisigaw
hudyat niya'y umaalingawngaw
sa bawat hampas at sayaw
sa sulok may isang nilalang nakapikit taimtim, malalim ang dasal sa Puon isinasambit habang sa hangin maririnig mga kantang napakalamig Ilang minuto ang lumipas mga luha ay tumatagas sa mga matang maamo ngayo'y bukas para syang kandilang nauubos lahat ng damdamin binubuhos sa Altar na sandigan ramdam ang pinagdadaanan Ah kay bigat ng pasan. lumipas ang oras, dasal ay wari natapos sa mga labi gumuguhit ang nagliliwanag na langit.
ding ,dong,ding, dong sa may malapit dumadagundong Sa kasamaan palad si kampana'y di narinig, Ngayo'y humihiyaw na tila sayo'y sabik Kung bakit di ka nagbalik? iiyak na lang si kampanang dambana Wala na yatang problema. ang simbahan dati ay takbuhan sa oras ng kagipitan ay tila simpleng gusali na lamang.

Isang magandang gabi sa ating lahat, lalo na sa mga nagbigay ng kunting panahon para basahin ang aking entry para sa ika-pitong edisyun ng patimpalak na gawa ni @jassennessaj. Minsan kase parang nakakalimutan natin ang pagsamba na parang kung kailan lang natin gusto at kailangan. Malaking pagkakamali dahil talaga ang dapat diba sana ay ang oras ng Diyos ay dapat ibigay natin. Yun lang po sa ngayon.Hanggang sa muli. Salamat ng marami.

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63901.15
ETH 3133.40
USDT 1.00
SBD 4.05