Word Poetry Challenge No:5 sa temang: "Watawat ng Pilipinas"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

watawat ng pilipinas
isang simpleng telang nabuo,
ng walang iba, kundi ng magigiting na Pilipino
payak man sa tingin
puno naman ng adhikain

bawat matingkad na kulay
ay may dahilan at taglay
isang araw na sumikat na kay liwanag
Na syang gabay sa tatlong nyang kasapi
tatlong nagliliwanag na bituin
binibining Luzviminda
na kung tawagin
mga pulo - pulong isla
na pinangdugtong sa iisang bandera
sa kulay mong bughaw
magiting na bayani ang halimbawa
sa pula naman sa katapangan nilang napamalas
para ikaw ay mapalaya

kaw ang naging simbolo ng aking pagtayo
kaya sanay patuloy na bigyan ng pagsuyo
dahil sayo ako ay may pagkakakilanlan
kung mapadpad man ng kung saan
kung wala ito, ano kaya ako?
kung wala ito, sino kaya ako?

patuloy sana ang pag wagayway
sayo ng mga bagong madla
di kakalimutan ang dahilan
kung paano ang yung simula
walang tigil ang pagtuturo sa mga kabataan
sa mga tunay na halaga
baka makalimutan,
at isiping itoy hamak na
palamuti lamang sa kalsada...


Ito ang simpleng tula para sa patimpalak na gawa ni @jassennessaj. Feeling ko tuloy nagbalik ako sa skwela😄😂😂.

Kayo dyan kung gusto nyong mag kaklase tayo ngayong pasukan. Magpasa na kayo ng entry gaya nito. Kaya naman pala dami kong nakikita na naka sabit sa mga daan. Timing.
Bihira lang ang pagkakataon para sumali ako ng contest. Kaya gusto ko malaman kong may future ba ako dito.hahahha😉😉😂..wag mag atubiling mag comment at upvote narin kung sa tingin mong karapatdapat din...malay natin sali naman ako sa susunod, kaya maganda to para mahasa naman ako, comment your entry at babasahin ko rin..

Salamat pala kay @chameh, @rosemhel, @adeline24 sa pag pa alam na may ganitong pa contest.

Naway naging maganda araw mo ngayon!

Sort:  

Nice phin! Goodluck sa contest!

thanks ade,. try try lang ba..

ang galing!
salamat po sa pagsali
Mabuhay tayong mga Pilipino

oi.. salamat naman.... pasado pala sayo hurado..

Hahaha. Ako man din ay nabuhay ang dugong nananalaytay sa'kin bilang Pilipino.

Maraming salamat sa pagsuporta sa patimpalak na ito @amayphin. :)

walang anuman jassen... push natin to..heheh😊😉

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.039
BTC 70112.96
ETH 3549.99
USDT 1.00
SBD 4.71