Word Poetry Challenge #12 : Kalayaan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Ang tulang ito ay hango sa dokumentaryong aking napanood na pinamagatang "Give Up Tomorrow". Naging maingay sa mundo ng social media ang isyung naganap noong taong 1997 nang isapelikula at ipalabas kamakailan lamang ang nasabing pangyayari. Nang mabasa ko ang tema sa linggong ito na "Kalayaan", ang nasasakdal na si Paco Larrañaga ang unang taong pumasok sa aking isipan. Siya ay inakusahan at ikinulong na walang matibay na ebidensya. Hanggang sa kasalukuyan kanya pa ding pinagdudusahan ang isang krimeng hindi nya ginawa. Nawa'y makamit ng pamilya nang nasabing mga biktima ang tunay na katarungan. Gayundin, mangibabaw sana ang katotohanan at makamit ni Paco ang kanyang matagal nang inaasam na Kalayaan.


"Kalayaan"


1676405_landscape.jpg

Image Source

Inagaw ang kanyang kinabukasan,
Nang sya ay bigla na lamang inakusahan,
Mga taong makapangyarihan,
Walang matibay na basehan.

Sa isang iglap mundo nya ay nag-iba,
Sa kanya'y ni isa walang makasalba,
Diniin nang nakararami at hinila pababa,
Ikinulong sa salang hindi nya ginawa.

Hindi pinakinggan ang kanyang dahilan,
Dala nyang ebidensya kanilang tinanggihan,
Hurado sa kaso tila nagbulag-bulagan,
May naganap bang kababalaghan?

Higit dalawang dekada na syang nakakulong,
Kung sinu-sino na ang hiningan ng tulong,
Sa Diyos ama parati syang bumubulong,
Maituwid sana ang mali nilang suplong.

Dinggin sana kanilang panawagan,
Kanyang kaso muli sanang mabuksan,
Bigyan nang pagkakataong mapakinggan,
Minimithing kalayaan kanyang makamtan.


Naniniwala ako na hindi lahat ng nakakulong ay masama. Maaaring biktima lang din sila at hindi nabigyan ng pagkakataon na mapakinggan at ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Manaig sana ang katarungan.





Ito ang aking opisyal na entry para sa Word Poetry Challenge #12 : "Kalayaan" | Tagalog Edition na inorganisa ni ginoong @jassennessaj.


Salamat.gif


annazsarinacruz~footer.png

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63457.41
ETH 3119.12
USDT 1.00
SBD 3.94