Word Poetry Challenge #15 : “Pagbabalik”

in #wordchallenge6 years ago (edited)

brh274jt3q.jpg

Matagal na akong nandito
Naghihintay sa'yo
Paulit-ulit na kinakatok ang puso mo
Sinisigaw ang iyong ngalan ngunit di mo pansin
Tinatawag kita pero di mo man lang lingunin
Ang lapit ko sa yo pero bakit tila kay layo pa rin

Di ako napagod na ikaw ay balaan
Na ang tinatahak mo'y tungong karimlan
Subalit ang isip mo ay sarado
Ayaw mo akong pakinggan
Dati-rati ako ang laman ng iyong puso
Di ba noon pangalan ko ang laging sambit mo
Dati ako ang iyong lakas at pag-asa
Bakit naglaho na

Sa kabila ng lahat iniingatan at minamahal pa rin kita
Iginagalang ko ang lahat ng iyong pasya
Kaya ng mga pangarap mo ay gumuho
Ako ay nasa tabi mo
Nang maghiwalay kayo ng iyong mahal
Hinigpitan ko ang hawak sa iyong kamay
Nang iwan ka ng mga kaibigan
Ikaw ay aking dinamayan
Nang ang lahat inaayawan ka
Di kita iniwang mag-isa
Lahat ng ito ay ginawa
Kahit ako'y binabalewala

Di ako napagod na mahalin ka
Mahal kita dahil mahal kita
Wala ng ibang dahilan
Kahit na ako ay isinasantabi lagi, iniiwan

Sa atensyon mo ako'y nauuhaw
Sa iyong panalangin ay nasasabik
Nandito pa rin ako, naghihintay
na baka sa iyong pagbabalik
hindi ka na naalis
hindi ka na lilimot
Kailan ba kita maikukulong sa aking mga bisig
Kailan mo ako muling maiisip

Subalit salamat, natatanaw kita
Babalik ka na ba?
Ako sa iyo ay alalang-alala sabik na sabik
Ngayon, yayakapin kita ng mahigpit na maghigpit
Kay tagal kitang inasam
Bakit ba ngayon ka lang
Alam mo namang pwede mo akong masumpungan
Kahit na anong oras man
Wag kang mag-alinlangan na ako ay lapitan
Hindi kita itatanggi, hindi kita ipagtatabuyan
Hayaan mong pawiin ko ang iyong pagkapagal
ng aking pag-aaruga at pagmamahal
magpahinga ka sa aking yakap at halik
ipagdiwang natin ang iyong pagbabalik
Saktan mo man nang paulit-ulit
Pangalan mo ay di kailanman mawawaglit
Huwag kang mahiya yakapin mo ako
Anuman ang mga naganap ay pinatawad ko na
Kaya pakiusap wag ka nang lilisan pa
Lagi mong tatandaan
Ako ang Diyos mo
Magmamahal at magmamahal sayo
Anak ko!

vszs12qtr3.png

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by BeyondDisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63754.85
ETH 3055.95
USDT 1.00
SBD 3.85