Word Poetry Challenge #6. Tema : "Aking Ina"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Sana po ay matyaga ninyong basahin ang tulang ito. Di kayo magsisisi

Aking Ina

Akala ko noon mapalad ang aking Ina
dahil siya ang Ina ni Kuya
Bati pa sa kanya, "magalak ka"
dahil si Kuya magiging sikat nga
magiging Hari daw ng lahat
subalit mga sumunod na pangyayari
di madalumat

Dahil kay Kuya
abot-abot na hirap ang dinanas niya
Nandyan na muntik ng iwan ng mapapangasawa
Muntik din isakdal ng madla
dahil nabuntis ng di ikinakasal muna
Nariyan na ipinanganak niya si Kuya sa gitna ng paglalakbay
Di pa nga nakakabawi ng lakas
kailangan na namang maglakbay
buhay ni Kuya mayroon kasing banta

Nang si Kuya ay bininyagan
Sabi ng manong sa simbahan
dulot daw ni Kuya ay pasakit
na tila tarak ng pitong balaraw
pero mahal ni ina si Kuya eh
tuloy lang sa pag-aalaga at pagpapalaki
Ina sya kasi

Maagang pumanaw ang asawa
Solong nagtaguyod si Ina
Subalit dumating ang panahon si Kuya lilisan na
upang tuparin misyon Niya
Palibhasa mahal ni Ina si Kuya
Ano pa nga ba ang magagawa niya

Dumating ang panahon
ng dahil sa Kanyang paninindigan
si Kuya inusig, pinarusahan
Pinako Sya sa krus
Nilapastangan, sinaktan
Mahal ni Ina si Kuya
Subalit sa paanan ng krus
nanatili siyang matatag
walang arte
walang eksena
walang histerya
ni pagkataranta
Tanging mayroon ay tahimik na pagluha

Ito ba ang ibig sabihin ng maglak
Ang batang ipingako hatid ay hirap
Minahal, inaruga, pinalaki
Ngayon sa kanyang harapan
Isinakdal, pinako, inapi
Ngunit di sya nagtanong
Pinakamamahal na Anak
sa Diyos inihandog

>

Minsan Dumaloy sa dibdib ni Ina
gatas na nagbigay buhay kay Kuya
ngayon kalong niya Siyang muli
Walang buhay balot ng pait at hapdi
sa kanyang dibdib si Kuya muling sakbibi
Di na gatas kundi dugo
ni Kuya Jesus ang dumadaloy
sa sangkatauhan tumubos, umagos
Nagbigay buhay at kaligtasan
Dugo ng ginigiliw na Anak
na buong buhay iningatan

Aking Ina paano mo hinarap ang lahat
Pinagtagumpayan mga sakit at hirap
para sa katuparan ng nasusulat
Mga nangyari di mo man maunawaan
subalit ikaw ay patuloy na nanindigan
Pananalig sa Diyos naging lundayan
Nagpamalas ng katatagan

Inay Maria, aking hinahangaan
Maaari bang grasya mo ako ay bahaginan
ng ang Diyos patuloy na sandalan
sa gitna ng pagsubok at kalituhan
Mahal mo si Jesus
Ngunit mahal ka rin ng Diyos
Ikaw ay bahagi ng katuparan
ng mga panukalang di mataros

Inay Maria, aking Ina, tunay na kamangha-mangha
Ang tangi ko lang wika
Ipanalangin mo kaming mga makasalanan at mahihina
Ngayon at kung kami'y mamamatay. Siya Nawa
Maraming Salamat Aking Ina

Ang mga larawan ay akin pong Iginuhit

ito po ay isang tula para sa ating Mahal na Ina na Ina rin ng ating Panginoon

Talasalitaan

madalumat- maunawaan
sakbibi- tangan, o tangan sa dibidib
lunduyan- sentro
mataros- walang makontrol

ito po ang aking entry sa patimpalak ni G. @jassennessaj

Sort:  

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64106.00
ETH 3129.71
USDT 1.00
SBD 4.16