"Word Poetry Challenge #6". "Aking Ina"/ Ang aking lahok

images (4).jpg
pinagkuhanan ng litrato


Magandang araw po mga kababayan ko, sa aking mga magagaling na katunggali, sa ating hurado na si ginoong @jassennessaj at sa lahat ng mga magigiliw naming tagasubaybay. Narito po aking lahok sa patimpalak na ito at sana po ay magustuhan nyo.😊

"Ang aking Ina"
Katha ni: @blessedsteemer
🙏


Aking pang naalala noong ako musmos pa lamang,
Paggising sa umaga si ina ay wala na sa higaan.
Ako ay iiyak tatakbo papuntang dalampasigan,
Nagbabakasali ang aking ina ay aking masilayan
.


Ang aking ina ay di nakapagtapos ng elementarya,
Dahil sabi ng lolo ko maaga daw siya nag asawa.
Kaya naman ang kinamulatan kong hanapbuhay ng aming pamilya,
Ay pag angkat ng isda at sa palengke ititinda
.


Aking nasaksihan ang sigasig nya at kasipagan,
Biruin mo, paggaling niya sa pagtitinda ng isda sa ibang bayan.
Sabay halik sa akin at bigay nyang pasalubong korteng isdang pan,
At ipagluluto nya pa kami ng masarap na hapunan
.


Pag-ibig ng aking ina ay di mapapantayan,
At di kayang bayaran ng anumang kayamanan.
Sa kabila ng aming karukhaan,
Nabigyan nila kami ng magandang kinabukasan
.


Ngunit isang araw ako ay nabigla sa isang masamang balita,
Ang aking pinakamamahal na ina ay may karamdamang malubha.
Ako'y dagling umuwi upang si ina ay aking makita,
At sa aking pagdating mata nya at lumuha
.


Halos di na siya makapagsalita at halos senyas na lang ginagawa,
At sa aking paglapit sa kanya mga mata ko' y dumaloy ng masaganang luha.
At ng ang lahat na mga anak nya ay kanyang nakita,
Siya ay napangiti at sabay sa kanyang huling hininga
.


Kaya lagi nating tatandaan mga kabataan,
Habang buhay pa at malakas ang inyong magulang.
Pahalagahan at Mahalin natin sila ng lubusan,
Upang kahit papaano masaya silang lilisan
.


Maraming salamat po sa inyo pagbasa sa aking lahok na tula para sa aking ina.At sana kahit papano at me natutunan kayo sa aking simpleng tula.😊

Ang inyo pong lingkod ;
@blessedsteemer
🙏


received_1948987111801248.png

DQmSLek3q4CXzLfHoWaY1px4et3ESobadxfM3upJjVEbcPW.gif

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful. He run a full public RPC 256 GB node as well to balance the steem ecosystem on "wss://steemd.steemgigs.org"
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT

U5drNtKzW88VyFycGhzgzArmeag6aFe_1680x8400.png

DQmUespkYTcA8pRPaJuR1deHVi91Mv3MFjr1Ukbvwwdwmg9.gif

Join us at discord channel:https://discord.gg/82NQcb

U5dsMz9as3DnecWEPSoowC1jcP4KaLc_1680x8400.png

DQmWpisRXDF56mV3DgzzPUxb3R2ozseR48YVr2YKtwtrBcV-1.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70753.86
ETH 3589.34
USDT 1.00
SBD 4.75