"Word Poetry Challenge #5". Tema : "Watawat ng Pilipinas"

in #wordchallenge6 years ago

Flag.jpg

"Word Poetry Challenge #5". Tema : "Watawat ng Pilipinas"

Dugo at pawis ang inalay
Mga bayani ito'y patunay
Kahit gaano kahirap ay
Gagawin upang mapagtagumpay

Ang angking bihira ng pilipino ay sagad
Sapagkat kayang gawin lahat
Sa mainit kahit sa malamig
Kahit sa tinatawag na manlulupig

Sadyang napakaganda ng mamuhay
Sa silangan dala'y tagumpay
Ang perlas na may
Yaman na walang kapantay

Ang Pilipino sa watawat ay sumisimbolo
Sa tapang at talino, sa pagkamalihain at pagkatalentado
Sa tiyaga buhat ng sakripisyo
Mga bayaning saludo ako

Mga bituin na walang kupas
Araw na napakaganda ng sikat
Asul at pula, na may pangarap
Gamit ang lahat ng pagsusumikap

Dama ko ang giting nito
Sa pagkanta ako'y napapahinto
Sa pagkat sa aking pagyuko
Na ibig sabihin ay pagmamahal at respito

Sa pag wagaway nang aking bayan
Dala ko ang lahat ng pinagdaanan
Sa pait at tamis man
Sa watawat ko lang ito mamasdan

Nawa'y inyong magustuhan ang tulang aking ginawa na isang ilalahok ko sa isang napakagandang patimpalak na ginawa ni @jassennessaj, Ipinagdarasal ko sa Maykapal na mapagpatuloy ang ginitong uri ng paligsahan na makatutulong sa pagwagayway ng ating sariling wika. Dama ko ang higit na pagkasaya sa pagkat Ito'y nakalaan sa bawat Pilipinong makata. Bukod-tangi ang ganito, sapagkat hinahasa nito ang angking talino at kahusayan sa pagawa ng tula. MAbuhay ka kapatid. Ako'y masugid na sumusuporta kay @steemph.cebu @jassennessaj @bayanihan at @surpassinggoogle na walang sawang gumagawa ng mga samo't saring patimpalak, Mabuhay kayo!

Kung kayo'y nagandahan at naaninag sa aking tula, pwede nyo pong pindotin ang buton ng pag-upvote o di kaya'y resteem. Maraming salamat po! Hanggang sa susunod

Sort:  

salamat po sa pagsali
Mabuhay tayong mga Pilipino

Indeed Sir Mabuhay ang mga Pilipino, Ito po ay isang malaking karangalan upang makasali sa ganitong klaseng patimpalak na nahahango sa ating pagkapilipino

Mabuhay tayong mga Filipino

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70638.80
ETH 3565.34
USDT 1.00
SBD 4.73