Word Poetry Challenge #12: KALAYAAN

in #wordchallenge6 years ago (edited)

image

KALAYAAN

May mga taong uhaw sa kalayaan
Tulad kong hindi pa ito naranasan
Ang sakit lang talaga sa kalooban
Kasi para kang nasa loob ng kulungan


Lahat ng gusto kong gawin ay bawal
Pati na ang kalayaang magmahal
Paano na ang aking damdamin
Kung sa pakikipagkaibiga’y bawal pa rin


Matagal ko na itong kinikimkim
Kay bigat sa puso’t damdamin
O sadyang ang kay hirap dalhin
Bugso ng damdamin sana ay makalaya na rin


Sabi mo ang hirap kong umunawa
Kaligayahan ko naman ang nakataya
Kabutihan ang s'yang pinapakita
Para maging karapat dapat sa iyong pagtitiwala


Ano ba ang kailangan kong gawin
Upang makuha tiwala n'yo sa'kin
Gusto ko lang itong linawin
Para maintindihan ibig n'yong sabihin


Alam ko kung ano ang tama
Huwag isipin na ako ay mahina
Ninanais lang na maging malaya
Upang mabuhay ng masaya at payapa


Maraming salamat po sa lahat... Ito po ang inyong kaibigan at kapwa steemian

image

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66499.54
ETH 3203.31
USDT 1.00
SBD 4.14