Word Poetry Challenge #12 : KALAYAAN

in #wordchallenge6 years ago (edited)

image

KALAYAAN

Buong akala ko mahal mo 'ko
Sabi mo mahalaga ako sa buhay mo
Pero biglang gumuho aking mundo
No'ng nagpatulong kang manligaw sa kaibigan ko


Ngunit ang sabi ng damdamin
Ikaw lang ang s'yang mamahalin
Kahit iba pa ang nais mong iibigin
At kaibigan lang ang turing mo sa'kin


Kaso nakita kong masaya ka sa piling niya
Anong magagawa ko, kaibigan lang pala kita
Normal lang akong nakatingin sa inyo
Kahit nadudurog na ang puso ko


Gabi-gabi ikaw lagi ang nasa isip ko
Paano kaya kung naging tayo
Hindi sana ako nasasaktan ng ganito
Pero nagpakatanga ako para lang sayo


Ngayon ibibigay ko na ang iyong kalayaan
Kahit ako'y lubos na nasasaktan
Di alintana ang sakit na nararamdaman
Hangad ko pa rin ang 'yong kaligayan


Kaya bibitiwan na kita
Gusto ko ng palayain ka
Hayaan sa iyong ikakasaya
Pero tandaan mo "mahal pa rin kita"


Muli, ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga steemians na tumatangkilik at sumali sa patimpalak na binuo ni Ginoong @jassennessaj. At taos puso din po akong nagpapasalamat sa lahat ng walang sawang suporta na ibinigay ninyo sa aking mga akda. Hanggang sa muli...

FB_IMG_1517815254224.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64266.94
ETH 3077.24
USDT 1.00
SBD 3.87