Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago

"Larawang Kupas"_20180509_222942.JPG

Source

Bagama't nakalipas taglay naman nito ang diwa ng kaligayahang kilan man ay di kukupas. Lahat ng bagay naglalaho, ngunit sa isip at gunita ko'y nananatili ang saya ng mga nakalipas. Larawang kupas ka mang maituturing sa puso ko'y mababatid ang buhay at saya ng ligayang pagka lambing-lambing.
Walang bagay na nagpapaantig sa akin maliban sa mga taong naging bahagi ng magandang ala-alang angkin.
Ako'y naniniwala na ang ala-ala'y di-tulad ng larawang kumukupas kaya panatilihing bumuo ng mga mabubuting gawi para ang ngiti sa ating mga labi ay palaging mamumutawi.
Lahat tayo ay mayroong time machine ito ay ang bilang ala-ala na pwedeng balikan at ang panaginip at pangarap ay siyang magdadala sa atin sa ating kinabukasan.
Ang magandang ala-alang nakalarawan ang magiging susi hindi ng nakaraan kundi ito ang magsisilbing gabay ng ating paroroonan.
Isang napakahalagang bahagi upang maging maligaya sa ngayon ay ang balikan, halungkatin ang mga larawang kupas na, ngunit dulot naman nito ay saya.
Tayo na! dalhin mo na ang iyong kamera, umpisahan na nating gumawa at kumuha ng mga larawang magsisilbing ala-ala bago mahuli ang lahat at ako'y mangungulubot na kawangis ng larawang kupas na.
Ang galak sa puso ko ngayon ang siyang larawan ng ating magandang kahapon.

Orihinal na Tula ni Čïńðëřż

This is me @cinderz always saying: Keep the fire 🔥 burning!!!FB_IMG_1524381500595.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63457.41
ETH 3119.12
USDT 1.00
SBD 3.94