"Word Poetry Challenge #6 : Aking Ina"

in #wordchallenge6 years ago (edited)
Magandang araw mga kabayan at sa lahat ng kapwa ko steemyans! ito po ang aking pagtugon para sa patimpalak ng aking idolo na si Ginoong @jassennessaj, para sa kanyang word poetry challenge na may temang "Aking Ina", Ito po ay aking orihinal na kathang tula, at entry sa naturang patimpalak. Sana po ay naihabol ko pa ang aking entry, gawa ng ako po ay galing sa isang outing kung saan ang lugar ay walang internet at walang network signal para sa mobile data, muli marami pong salamat at sana po ay magustuhan ninyo.



family-1784371__480.jpg

https://pixabay.com



kailanman ay hindi niya ipinakita na siya ay nahirapan sa pag-aaruga, Walang puwang ang salitang kapaguran nung kanyang kalakasan.
Walang angal o reklamo akong natunghayan, Dahil pagmamahal sa pamilya ang tangi niyang pinang-hawakan.


Ang Aking Ina ang aking tagaturo, Kahit hindi siya nakapag-tapos ng pagka-guro.
Hirap man sa pag-aalaga sa akin, Pilit niyang sinisikap na ako'y matutong magbasa at magsulat.


Kahit siya ay walang alam sa medisina, Ang Aking Ina ang nagsisilbi kong doktora.
Magdamag siyang nakabantay sa tuwing ako'y may sakit, matamlay at nanlalata, ang pagmulat ng aking mga mata'y matiyaga niyang inaantay.


Ang Aking Ina ay hindi nakapag-aral ng pagka-kusinera, gayunpaman siya parin ang tagaluto sa aming munting dampa.
Ang kanyang hinahain ay malinamnam at masustansya, sinisikap punan ng masarap na pagkain ang kumakalam kong sikmura.


Tunay nga na katangi-tangi ang katangian ng aking ina, lahat ay gagawin para sa kanyang pamilya.
Simula sa aking pagkabata hanggang pagtanda ay pinuno nya ako ng pagmamahal at kalinga.


Ang gabay na liwanag sa mahaba kong paglalakbay, Ang maningning na ilaw ng tahanan ng aming bahay.
Hirap at sakripisyo ay di na mabilang, Ang aking ina ay tunay ngang hindi matatawaran.



Steemitly yours

cradle



DQmNo7mW5tUTL97aFGdguqkmBGkUq4uGkNrmgCxBcdrwKsy_1680x8400.png

Please like @teardrops on Facebook and Twitter:

https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens
DQmWnCKh3cwNs3pYUWJfRKS4yEgLk4bCVUL2vY4SsQxNFXA.png
DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpeg

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us in Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us in discord STEEMSCHOOLS https://discord.gg/8CRS4j4

20180509_130541.gif


IMG_20180503_114106.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70557.88
ETH 3560.83
USDT 1.00
SBD 4.75