"Word Poetry Challenge # 1 Larawang kupas"

in #wordchallenge6 years ago

13192912_f520.jpg

source:

"Larawang Kupas"

Panahon na tila ba liwanag sa bilis
Alaalang nagpapahayag ng pinagsamahan natin
Mga ngiting bumubuo ng ating mundo
Kay tamis paring balik balikan ito

Mga araw na tayo pa ay nagsusuyuan
Chocolate't bulaklak ang bitbit paakyat ng hagdanan
Nung tayo ay sumumpa at naging magkabiyak
Giliw ko, hindi maitago ang pusong galak na galak

Nakalarawan ang naganap at nagsilbi nating kahulugan
Nakasabit sa pader, tapat ng simbolo ng buhay
Pagmamahalan na araw-araw binigyan ng kulay
Sa larawang maituturing na pinakamahalagang bagay

Mga taon na lumipas at tayo'y tumanda
Nag-iba ang kilos at ating itsura
Nananatili paring matibay ang ating pagsasama
Magkahawak ang kamay habang nakaupo sa silyang tumba-tumba
Nakatitig sa kupas na larawang may sinag ng palubog na araw
Inukit ang pagmamahalang hindi mahahadlangan kahit pa ay pagpanaw

13192912_f520.jpg
Magandang araw sa lahat ng mambabasa, ito po ay isang tulang lalahok sa patimpalak na ginawa ni @jassennessaj
Sana po ay makaabot ang tulang ito at maraming salamat sa tumatangkilik ng aking mga ginagawang tula
Maari nyo rin pong tignan ang iba ko pang tulang nilikha sa aking account @dexter

Yun lang po at hanggang sa muli

MABUHAY FILIPINO POETRY!!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64664.11
ETH 3166.18
USDT 1.00
SBD 4.11