Word Poetry Challenge #9 : Maskara

in #wordchallenge6 years ago

image

Sa pagbigkas ng mga salitang "mahal kita"
Nakaramdam ng hinagpis sayo sinta
Isang malaking alon ng kahapon
Iniwan ng basta-basta.

Nakita kang nagkakape
Sa isang kilalang kapihan sa tabi
May katabi kang isang babae
Maganda siya at mukhang mabait
Ngunit teka lang, sandali
Bakit ang mga mata niyo'y tila naguusap
Kakaiba sa magkaibigan lang sinta?
At ang mga matatamis na ngiti sa inyong labi
Palapit ng palapit hanggang...
Bam!

Nangingilid na mga luha
Tila hindi makapaniwala sa nakita
Ang hawak na regalo sa kaliwa
Tinapon nalang sa kalsada

Hindi akalain na nangyayari 'to
Wala kayong kamalay-malay kung
Gaano kagrabe to
Naalala ang mga bulungan sa telepono
Harap-harapan sa mukha ko
Ngunit hindi ko naisip na ganito pala
Lahat gumuho kahit mga tala

Pero teka, hindi pupuwedeng malaman mo
Na alam ko na,
Alam mo ba sunod na gagawin ko?
Simple lang parang wala akong nakita
Walang nangyari, wala akong narinig
Hindi ipapakita sayo ang sakit
Kahit na gusto kang lagyan ng sinturon sa leeg ng mahigpit

Niyaya kita sa aking tahanan
Sabi ko sayo wala ang aking magulang
Nilambing ka at naging katulad sayo dati
Walang nagbago sa atin
Sabi ko sayo nagluto ako ng adobo
"Halika ka, kain na" ikaw naman sumunod
Sa unang subo nasarapan ka pa
Ngunit sa ikalima nabulunan ka na
Ang bobo mo, yun lamang nabigkas
Tumingin sa akin na nalilitong mata
Ningisian lang kita at sabay sayo
"Magsama kayo sa impyerno mahal ko"

Sinubukan mo pa nga akong sakalin
Ngunit matapang lason hinalo sa pagkain
Onti-onting bumula ang bibig mo
Nangisay sa sahig at tumitirik mga mata
Yan ang napapala ng nangangaliwa

Ang galing ng maskara ko noh?
Napaniwala kitang hindi ako demonyo.


Sa akin ang litrato.


emdesan (1).png
received_1899007856785127.gif

Sort:  

Very nice face.

Mahusay na imahinasyon! Hugot na hugot. Haha ang ganda ng atake. Ganun pala ang dulo. Ikaw ang nakamaskara. Salamat sa pagsali.

Wow..ganda talaga ang tula mo merong hugot..😀👍

Coin Marketplace

STEEM 0.39
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70463.21
ETH 3549.83
USDT 1.00
SBD 4.87