Word Poetry Challenge #12: Kalayaan

in #wordchallenge6 years ago

Isang magandang tanghali sa inyong lahat lalo na kay ginoong @jassennessaj na sadyang naisipan ang patimpalak na ito. Ito po ang entry na aking nalikha sa patimpalak na #wordpeotrychallenge.
Nawa't magustuhan niyo po ito.

DSC_0160_2-01.jpeg

"KALAYAAN"

Nagtatago sa dilim ng nakaraan
Bakit kay hirap takasan?
Gusto ko nang kalimutan
At sarili'y ipaglaban

Pinilit kong buksan aking isipan
Upang kalayaan ay makamtan
Kalayaan na matagal ko ng inaasam

Mundo man ay puno ng poot
Mukha mo man ay balot ng sigalot
Kalayaan sa sarili wag ipagdamot

Tunay ngang ika'y malaya
Gawin ang tama at matutong magparaya
Dahil ang tunay na kahulugan ng malaya ay ang taong marunong umunawa.

Sort:  

My two cents:

Nagtatago sa dilim ng nakaraan ----> Ang kalayaan ba ang nagtatago sa dilim?
Bakit kay hirap takasan? ----> Sino tinatakasan at bakit mahirap?
Gusto ko nang kalimutan ----> Sino ang tinutukoy sa tula na kakalimutan na?
At saril'y ipaglaban ----> Ano ang ipinaglalaban dito?

I let the poem explain it to me ma'am pero parang kinapos siya... Maganda ang topic pero need to ipahiwatig sa tula ano bang kalayaan ito: lumaya sa pang-aapi ng mga colonizers? lumaya sa nakasasakal na pag-ibig ni lalaki? Para saan ang kalayaang ito?

Hindi ko nasimulan ang challenge na ito at ito'y pagtingin ko lang sa tula... Hindi ko na pahahabain...

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70351.33
ETH 3563.43
USDT 1.00
SBD 4.72