"Word Poetry Challenge #5". "Watawat ng Pilipinas": My entry
Mapagpalang araw sa lahat ng aking kababayan, ito po ang una kong pagsali sa patimpalak ni Ginoong @jassennessaj.😊 Ang aking asawa(@blessedsteemer) ang nag enganyo sa akin na subukan kong sumali, hindi po ako magaling managalog kasi boholana po ako haha...😄pero aking gagawin makakaya ko para magustuhan nyo po ang akda ko. Ito po ang aking akdang tula.😊
Akda ni: @greatwarrior79
Dito sa aking Bayang sinilangan,
May isang kapirasong telang sinasaludahan.
Ito daw ay puno ng kasaysayan,
Dahil sa pagmamahal sa Inang Bayan.
Maraming buhay ang nabuwis at nawala,
Dahil sa mananakop na gusto tayong maging alila.
Pero dahil sa kagitingan na kanilang pinakita,
Nagkaroon tayo ng bayang malaya.
Dugo at pawis ang kanilang ipinamalas,
Upang maiwagayway ang watawat ng Pilipinas.
Kaya aking isisigaw ng buong lakas!
Salamat sa mga ninuno natin na sa Inang bayan, Pag -ibig ay wagas!
Kada hunyo dose ay ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan,
Kaya huwag kalimutan ang ginawa nilang kabayanihan.
At lagi natin isaalang alang ang kanilang paglaban,
Para magkaroon tayo ng malayang pilipinas na ginagalawan.
O' watawat ng pilipinas ay kay inam pagmasdan,
At kaysarap kantahin ang lupang hinirang.
Kung alam mo ang makasaysayang kahulugan,
Ng bandila ng pilipinas na ating pinagpupugayan.
Read my profile if want me to resteem your post to over 72,500 followers. @a-0-0
maganda po ang tula. Kaunting karagdagan pa para sa isang mas maayos na pagwawakas
maraming salamat po sa pagsali
good luck
Salamat po ng marami,!😊 hayaan nyo po sa susunod pag iigihan ko na hehe unag sali ko ngayon.😊
sulat lang po ng sulat
Ok po maraming salamat po sa motibasyon.