Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas (TULA #2)

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Green and Yellow Photo Quotes Fall Twitter Post (1).png

(Ang larawang ito ay ginawa gamit ang Canva)

Larawang Kupas

Orihinal na tula ni @jason04

Sa mga panahong lumilipas
Mga alaala nating dalawa’y di pa rin kumukupas
Pagmamahal mo man ay nagwakas
Ngunit ang mga alalaala natin ay mananatili sa larawang kupas


Larawang kupas na hawak-hawak ko ngayon
Taglay ko pa rin ang alaala ng kahapon
Alaala no’ng tayo pang dalawa
Alaala no’ng wala ka pang iba

Naaalala ko pa nung pano tayo nagsimula
Pagkakaibigan hanggang naging pag-iibigan na
Mga masasayang alaala sa nakaraan
Na aking nagugunita sa isang kupas na larawan

Isang kupas na larawan na puno ng pagmamahalan
Kaya ito’y aking pinagkakaingatan
Iingatan ko ito gaya ng pag-iingat ko sayo
Pagkat ito nalang ang nagsisilbing alaala ng ikaw at ako

Isang kupas na larawan na dala-dala tuwing aalis na
Nasa ilalim ng unan kapag hihiga sa kama
Isang kupas na larawan na kailanma’y di itatapon
Larawan na itatago sa paglipas ng panahon

Mahal, naaalala ko pa nung tayo ang parating nagsasama
Ngiti, saya, ikaw, ako ang meron lang tayong dalawa
Pero ngayon ay naglaho na
At sa isang lumang litrato nalang ito nakikita

Iniwan mo man ako
Pero di ko alam kung bakit ang sakit ay pumaparito
Sa tuwing nakikita ko ang lumang litrato
Nasasaktan ako at pumapatak ang luha ko

Kaya mahal tandaan mo ito, kahit iniwan mo man ako
Salamat pa rin dahil kahit minsan naging ikaw at ako
Kumupas man ang larawang hawak-hawak ko
Ngunit kailanma’y hindi kukupas ang pag-ibig ko sayo


Maraming salamat sa pagbasa ng aking akda.
Nawa'y nagustuhan ninyo ang orihial na tulang aking ginawa.
Salamat kay @jassennessaj sa patimpalak na ito.
Sana po ay nagustuhan ninyo :)

Kung gusto niyo pong sumali sa patimpalak na ito, bisitahin ang link na ito:

Announcing "Word Poetry Challenge" #1. Tema : "Larawang Kupas" | Tagalog Edition

Maraming salamat sa inyong lahat !!!!

Sort:  

it's better to write in english for us.😊

This post has received a 2.62 % upvote from @speedvoter thanks to: @steemitchiness.

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jason04 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Loading...

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64647.93
ETH 3160.25
USDT 1.00
SBD 4.09