Word Poetry Challenge #17 : "Guro" | Pag-Anunsyo sa mga Nanalo

Magandang Umaga Makatang Pinoy!

Lubos ang aking galak sa napakaraming na sinumite ng ating mga kabayan ng "Word Poetry Challenge | Tagalog Edition" na may temang "Guro". Salamat sa mainit na pagsuporta at sa pagsasabuhay ng wikang Filipino na inilalathala natin sa Steem Blockchain.

Sa totoo lang, naging sobrang hirap ang pagpili ng mga mananalo sa paligsahang ito dahil nakakaantig ang Tema ng patimpalak na ito.


2nd runner-up

@happymom28

Sa pagsikat ng bagong umaga
Ang aking katawan ay puno ng sigla at saya
Sigla na tumutulak na ako ay bumangon
Saya na nadarama sa aking pagyaon

"Word Poetry Challenge #17 : Guro"


1st runner-up

@greatwarrior79

Mga pangaral mo at pagtitiyaga nyo sa amin ay di ko makakalimutan,
Kayo ang laging nagtuturo ng magandang asal sa aming mga kabataan.
Mga turo mo't pangaral ay nakatatak na sa puso't isipan,
Na mag aral ng mabuti,para sa magandang kinabukasan.

"Word Poetry Challenge #17 : Guro"


CHAMPION

@mrnightmare89

Ikaw ay hindi aking ina.
Pero nirerespeto kita katulad nya.
Hindi man ikaw ang unang nakikita.
Ngunit isa ka sa dahilan ng maayos kong pananalita.

Word Poetry Challenge #17 : “Guro”

Maraming Salamat sa Pagsuporta!


Pruweba ng Gantimpala

Maraming salamat sa suporta mga kabayan. Kung nais ninyong suportahan ang patimpalak na ito :

Maraming Salamat sa Nagbigay Donasyon sa Patimpalak na ito

@donkeypong

Paano Sumuporta sa Patimpalak na ito :

  • Inaanyayahan ko kayong magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]
  • Kung maaari I-upvote ang post na ito.

Aasahan ko ang inyong mga Entry para sa susunod na Edisyon bukas!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64498.18
ETH 3079.08
USDT 1.00
SBD 3.86