Word Poetry Challenge #12 : Kalayaan

in #wordchallenge6 years ago

women-empowerment-quotes-hd-wallpaper-17-756x450.jpg
image

"KALAYAAN"

Isang liham...


Kumusta ka na? Magaling na ba ang iyong mga sugat?
wala na ba ang sakit sa iyong damdamin?
nakakahinga ka na ba ng maayos?
Kumusta ka na, Mahal kong Pilipinas?

Sa bawat paggising ko sa umaga lagi kang sumasagi sa aking isipan.
Alam ko na bata pa ang aking puso't isipan sa mga bagay-bagay na iyong naranasan ngunit,
Alam ko aking mahal ang iyong mga pinagdaanan.

Wala man ako sa bawat pagpatak ng iyong mga luha, pawis at dugo
alam ko, alam ko na nasaktan ka at kahit magpahanggang ngayo'y nasasaktan parin.
Wala man ako sa oras ng iyong paghagulgol,
aking ina sa oras na ako'y nagka-isip sa mga bagay-bagay tungkol sa'yo ako din ay nagdalamhati.

Patawad! kong wala man akong nagawa upang patahanin ka.
Patawad! kong wala man akong sapat na tinig upang ipagtanggol ka at patawad!
sa aking pagtalikod sa'yo aking ina. Lagi kitang nakikita, saan man ako tumungo tanging ang mga matatamis mong ngiti ang aking laging nakikita.

Mga mapupulang labi, malalambot na mga pisngi.
Pero bigla akong nagising sa katotohanang nagbago ka na pala.
Mali! sinira ka na pala! Binago ka napala!
Unti-unting naglaho nga mapupula mong labi kasabay ng pagkawasak ng iyong matatamis na ngiti.

Patawad aking ina, dahil hindi kita magawang tulungan at ipaglaban.
Mahina ako! Mahina! at kailan ma'y hindi ako magiging tulad mo na
kayang dalhin ang lahat ng pait at sakit na ibinato
sa iyong mukha at buong katawan.
Hindi kailan man!

Hanggang ngayo'y kalayaan mo parin ang aking hangad
Hanggang ngayo'y isinusulong ko parin ang tuluyan mong pagpupunyagi.
Ito lang naman ang nais ng marami,
ang makita kang malaya sa kamay ng mga mapagsamantala.

Kalayaan...

Mga salitang napakadaling bigkasin ngunit,
sobrang hirap ibigay, gawin at makamtan.
Sa paglipas ng daang-daang taon,
hanggang ngayo'y kasing bagal parin ng trapiko
ang tuluyan nating pagkawala sa mga umaalipin.

Hindi man hayag ang ating pagiging sunod-sunoran,
kitang-kita naman na unti-unti ng ninanakaw, mali,
unti-unti ng pinapalitan ang totoong nating kasarinlan.

Sana'y hindi humantong ang lahat
sa tuluyang pagkabura at paglimot
sa mga ala-alang kanyang binuo.

Muli, isa itong liham
liham para sayo, sa kanya, sa kanila at sa atin.
Hanggad ko ang pagkamulat ng lahat sa maling
sistemang ipinapakain sa atin.
Hanggad ko ang tuluyan nating
mali,
ang tuluyan niyang pagkawala sa pagkakagapos.
Upang tuluyan nating masabing isang malayang bansa ang Pilipinas.
MABUHAY TAYONG LAHAT!

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 64060.81
ETH 3129.62
USDT 1.00
SBD 4.17