Word Poetry Challenge #9 : "Maskara"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Nais kung magsumiti ng aking gawang tula na pina magatang " Maskara " para sa Word Poetry Challenge #9. Ang paligasahan na ito ay simulain ni @jassennessaj

anonymous-1334775_960_720.jpg
source : https://pixabay.com/en/anonymous-graffiti-mask-boy-man-1334775/

Maskara

Pagkataong nakatago sa likod ng mukha
na waring lihim na ayaw mong ilathala.
Maaring alam ko ang buong pangalan mo
ngunit hindi pala ang iyong pagkatao.

Bawat tao sa mundo ay may pagkakaiba
wangis ng mukha na iisa lang din ang hulma.
Pero di parin mawawala ang pagdududa
ngiting mapanlinlang na parang isang lagda.

Bakit ang tao minsan nagwawangis aso
di malaman-laman kung ano bang intensiyon nito.
Pagnahulog ka sa bitag tiyak ikaw ay talo
gaya ng maskarang ikinukubli ang pagkatao.

Mukhang masaya ngunit d naman pala
waring walang problema na aking akala.
Mapang-utong kislap sa kanyang mga mata
na waring may sinasabi at gustong ilathala.

Just leave you comments, upvote , and resteem
Thank you for visiting!!


Sort:  

Ayos ng pagkakagawa bro! Walang labis walang kulang, saktong sakto! Salamat sa pagsali! 😁

salamat din.... subok lng po.. hehehe

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64029.44
ETH 3157.04
USDT 1.00
SBD 4.02