Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago (edited)

L ARAWANG KUPAS

Orihinal na komposisyon ni @joco0820

Collage Photo Text_1526008195729.PNG

Sa bawat pagsikat ng araw sa bandang silangan
Ay siya ring paglubog ng araw sa kanluran
Sa tagsibol ay umuusbong ang bawat dahon
Ngunit lumalagas din sa pagdaan ng panahon

Tulad ng bawat sandaling ating pinagsaluhan
Itong lahat ng ito ay naglaho nalang ng dahan-dahan
Nawala na parang bula, nasira, at iyong kinalimutan
Sumama ka sa iba at akoy iyong iniwan

Kaya, heto, sana ay tanggapin mo ang huli kong regalo
Isang lumang litrato,isang litrato na nagpapaalala sa akin sayo
Larawang kupas, na nagpapabalik sa ating nakalipas
Nagmumulto sa akin ngayon,parang araw-araw ay undas

Sa bawat araw, oras at gabi na lumipas
Walang ibang dalang sandata kundi itong larawang kupas
Nakahiga sa kama hinahayaan ang luha na tumagas
Naghahangad at naghihintay parin ng pagmamahal mong wagas

Kaya kung hindi man ngayon ang panahon na para sa ating dalawa
Gagawin ko ang lahat at hihiling ako kay bathala
Sa reinkarnasyon tayong nang dalawa ang itadhana
Nang ang larawang kupas ang unang akda sa ating huling kabanata.


Magandan araw po! KaSteemians! Sana po ay na gustuhan ninyo ang akong akda na inilahok sa paligsahan na pinamumunoan ni Ginoong @jassennessaj. Maraming salamat po Ginoo, Pagpalain kayo ng Diyos.

Sana po ay na aliw kayo, wag po kalimutang supportaan ang akong inilahok na akto sa pamamagitan ng pag ;
UPVOTE ibuto pataas
RESTEEM e-steem uli
FOLLOW sundan
Ako nga po pala si @joco0820. Maraming Salamat po :)

Sort:  

thank you for being so supportive ds :)

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by joco0820 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70446.49
ETH 3571.68
USDT 1.00
SBD 4.73