Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago (edited)


"Larawang Kupas"

Isinulat ni :@jomar07

Larawang kupas, nakita ko ang litratong naagnas na,
nakatago sa isang sulok nang aming sala,
Kinuha ko at aking tiningnan ang lumang larawan,
nakita ko ang kapanahunan ng aking kabataan.

Natatandaan ko pa yung mga kalaro ko at ka eskwela ,
Yung tipong maliligo sa ulan at maglalaro ng sipa,
maghahabulan nang walang iniisip na problema,
maglalaro ng luksong baka at magpalipad ng sarrangola.

Gigising ng maaga parang lang maglaro ng holen,
maglaro ng teksi, at bahay-bahayan,
Natatandaan ko parin yung mga tawanan,
kulitan, at may kasamang iyakan.

Napakasarap balikan ang panahon ng aking kabataan,
di ko maitago ang saya ng aking kabataan.
Kahit lumipas na ang ilang mga taon,
di ko parin makalimutan ang aking kabataan.

Ito yung panahon na labis-labis ang aking saya,
Walang mabigat na responsibilidad na dinadala,
Yung tipong maliit na bagay masaya ka na,
at ang prayoridad ay makalaro na.

Kamusta na kaya sila?
Ano na kaya kalagayan nila?
Okay lang kaya sila?
Kilala pa ba ako nila?

Lahat ng saya, lungkot, kulitan,
Iyon ay nasa larawang kupas na,
Napakagandang balik-balikan ang buhay bata,
Na nakapasaya at walang problema.


Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jassennessaj sa ginawang patimpalak. Nawa'y na gustohan ninyu ang aking ginawang tula. Maraming Salamat kabayan!

photocredits:1234

Impormasyon tungkol sa patimpalak :Announcing "Word Poetry Challenge" #1. Tema : "Larawang Kupas" | Tagalog Edition

Sort:  

Excellent article. I learned a lot of interesting and cognitive. I'm screwed up with you, I'll be glad to reciprocal subscription))

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jomar07 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Loading...

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64647.16
ETH 3160.49
USDT 1.00
SBD 4.13