Word Poetry Challenge #2 : "Huling Sayaw"

rupcare_dont-do-these-in-front-of-your-lover.jpg
Pinanggalingan ng larawan


"Huling Sayaw"


Sana di nalang kita nakilala
Kung ito lang pala
Ang aking napala
Kay sakit ng aking nadama

Umuwi lang ako saglit sa probinsya
At saglit lang tayo di magkikita
Araw pa yon ng bakasyon
At patuloy parin ang ating komunikasyon

Pero mga mata ko'y nanlaki
Nang iba ang aking nakita sa pag-uwi
May iba kang kasamang lalaki
Nakatingin ka sa kanyang mukha na may halong ngiti

Nngiti na akala ko para lang sa akin
Pero ngiti pala na magapapasakit ng aking damdamin
Hanggang sa ako'y iyong napansin
At pati luha ko'y tumutulo na rin

Tayo pa nama'y nagsumpaan
Na tayo ay walang iwanan
Hanggan sa walang hanggan
Pero yon la pala ay isang kahibangan

Sana di nalang ako nagtiwala
Sa iyong mga binitawang salita
Pinagmukha mo lang akong tanga
At iyong pinaasa

Pero naaalala mo paba
Noong naging tayo na
Kay daming pangako na ating binitwan
At kasal na agad nating pinagplanohan

Pero lahat ng iyon ay tinangay lang ng hangin
Pero ika'y aking pinatawad parin
Sa iyong nagawa sa akin
Kasi akala ko'y di mo na ito uulitin

Pero paulit-ulit mo paring ginagawa
Ang makipagkita sa kanya
Kaya ako'y napapagod na
At gusto ko ng magpahinga

Sana'y di na tayo nagkita
Sana'y di narin tayo nagkilala
Sana'y di na naging tayo
At sana'y di na ako naniwala sayo

Sana'y sa akin di ka nalang inagaw
Kaya kahit sa pag-ibig mo ako'y mauuhaw
Buo na ang isipan ko na sa iyo'y bibitaw
At paalam na sa ating huling sayaw

Ito po ang aking entry sir @jassennessaj para sa temang "huling sayaw" at sana ay nagustuhan niyo po ang aking orihinal na gawa at maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking tula. Ito ay alay ko narin po sa mga magkasintahang naghiwalay at sana magustohan niyo po rin ito at salamat.

Thanks and Godbless
@jumargachomiano

Sort:  

i really appreciate your writings in terms of tagalog; i am not good at it!

Thank you so much for the compliment sir @sorenkierkegaard

Sana'y di nalang kita nakilala
Ang ating plano ay maayos na
AKo'y niloko pinagpalit sa gwapo
Di mo lang alam pag-ibig ko ay totoo.

Salamat sa pagsali sa patimpalak at goodluck po!

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jumargachomiano being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66077.75
ETH 3167.77
USDT 1.00
SBD 4.01