Word Poetry Challenge #6 : Aking Ina

images (3).jpeg
Pinanggalingan ng larawan


"Aking Ina"


Siyam na buwan niya akong dinadala
Hirap at pagod ay kanyang binalewala
Di iniinda ang sakit sa aking paglabas
Dahil makikita na niya rin ako sa wakas


Sa sakit ng kanyang pag-iri ay biglang nawala
Kitang kita ang saya sa pagtulo ng kanyang mga luha
Nang marinig na niya ang aking pag-iyak
At nakita na ang aking mga mata ay talagang siya'y nagagalak


Ina kong tunay na ilaw ng tahanan
Dahil sa nong paslit palang ako at sa paligid ay walang kaalaman
Sa tuwing ako'y iiyak ng malakas na parang may kailangan at karamdaman
Nandyan siya lagi sa aking tabi inaasikaso para sa aking pag-iyak ay tumahan


Pati sa aking paglaki
Sa tuwing siya'y aking kailangan nandyan siya sa aking tabi
Di siya mawawala kahit anumang mangyari
Basta maibigay lang niya ang kasiyahan na aking hinihingi


Kasiyahang magdudulot rin sa kanya ng saya
Kasiyahang gustong gusto kong makita sa kanyang mukha
Kasiyahang na kailan ma'y walang kalungkutan
Kasiyahan na ibibigay ko sa kanya na tila walang katapusan


Pati sa aking mga kabiguan
Nandyan ka at di mo ako iniwan
Para ako'y iyong damayan
At papaalahanan na ang buhay minsan talo at minsan panalo parang sugal na may pustahan


Oh aking inang wala kang kapareho
Hayaan mo pag ako nakapagtapos sa pag-aaral at makapagtrabaho
Babawi rin ako at ako naman ang bubuhay at mag-aalaga sayo
Susuklian ko lahat ng pagod at ng iyong sakripisyo


Kahit di ko sayo ito sinasabi
Pero nagpapasalamat ako sayo palagi
Na may isang ina'y ako na katulad mo
At naging anak mo ako


Di ko siya naging ina
Dahil sa ako'y ipinanganak niya
Di ko siya naging ina
Dahil sa nanggaling ako sa tiyan niya


Naging ina ko siya dahil inuuna niya ako sa lahat
Naging ina ko siya dahil sakanya ako natutong magbasa at magsulat
Naging ina ko siya dahil sa akin niya pinapadama
Ang pagmamahal na walang katumbas na di ko makikita sa iba


Kaya aking ina na walang makakatapat
At pinakakamahal ko sa lahat
Maraming maraming salamat
Sa pag-aalaga, pagmamahal at sa di moko iniwan simula nong sa mundo ako'y namulat




Ito po ang aking handog na tula na galing sa kailaliman ng aking puso para sa aking pinakamamahal na ina at nawa'y magustohan niyo po kabayang @jassennessaj ang aking entry para sa pang anim na patimpalak ng word poetry challenge na may temang "Aking Ina".


Maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking orihinal na gawa na tula at mabuhay ang tulang tagalog.



Thanks and Godbless
@jumargachomiano

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 61875.79
ETH 3013.13
USDT 1.00
SBD 3.69