Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

Nang ako'y umupo at nag-nilay nilay biglang nakita ko
ang mga lumang litrato natin magkakaibigan.
Pumasok sa aking isipan ang alala ng masayang
pagsasamahan natin magkakaibigan.

Kailan kaya mauulit ang samahan na puro tawanan, biruan, asaran,
na wala tayong iniisip na kahit anong problema noong tayo ay bata pa.
Naalala ko pa noon lahat sa atin ay posible.

Si toto nagsusuot ng kumot sa likuran tapos siya na si superman,
si anne nagmi-make up na akala mo isang kaakit akit na artista,

Si john kukuha ng isang tabo at ilalagay sa ulo at kukuha ng isang maliit na kahoy, isa na siyang magiting na sundalo na,

Si tintin may hawak na patpat at tsok at mag susulat na siya sa pader
ng kalapit bahay na akala mo isa na siyang kagalang galang na guro na.

Ang sarap balikan ang alala na sa larawang kupas ko na lang makikita.

Sana balang araw magkita kita ulit tayo magkakaibigan,

Alam ko iba't iba na ang estado natin sa buhay,

Sana magawa pa natin ngayon,
kung ano ang ginagawa natin noong tayo ay bata pa.
Ang sarap balikan ang masasayang alala natin magkakaibigan.


Ang aking isinulat ay hindi kathang isip, ito ay nangyari sa totoong buhay,
lahat ng karakter na nagamit ko sa tula ay totoong pangalan ng aking mga kaibigan.

Ito ang aking paglahok sa patimpalak ni @jassennessaj.

Sana ay inyong magustuhan !!!

Sort:  

Nice juv malalim ka dn pala hahhahahahah

whahahahaahah .. nag try lang hahha

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63945.57
ETH 3135.76
USDT 1.00
SBD 4.00