Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas | An Entry

in #wordchallenge6 years ago

IMG_20180509_015904.jpg

Larawang Kupas

Isinulat ni @kyanzieuno

Habang ako'y nakaupo sa isang lilim,
Napaisip ako't natuwa ang damdamin.
Nakita ko ang isang lumang litrato,
Na animo'y dinaloy ng malakas na bagyo.

Pinulot ko ito at sinuri ng mabuti,
Pero kahit anong tingin ko'y di ko mawari.
Isa? Dalawa? Hanggang tatlong piraso,
Ako'y di makapaniwala dahil nagkalat ito.

Sa lilim napahinga at napaupo,
Dahil sa init ng araw na di maitago.
Tiningnan ulit ang tatlong kwadradong papel,
Na tila ang kulay ay naging kahel.

Bakas ng kahapon ay di maitanggi,
Dahil sa ito'y nagmistulang mayumì.
Pero, hinawakan ko pa rin ang mga ito,
Agad ko ring hinanap kung kanikanino.

Isang sulat ang bigla kong napansin,
Sa likod ng imahe na ang suot ay kulay kalimbahin.
Nakasaad, 'Mahal kong Teresita,
Habang buhay ikaw lang ang nagiisa.'

Biglang saya at kilig ang dumaloy,
Sa aking katawang kanina pang palaboy-laboy.
Hanggang sa natanaw ko sa may kalayuan,
Matandang babaeng may namumukhaan.

Nakayuko siya na tila galing sa pagiyak,
Nilapitan ko at ako'y napaupo't nagalak.
Dahil sa pagod ng aking paghahanap,
Siya pala ang Teresitang aking kinakalap.

Lumiwanag ang mukha ni nanay,
Nang nakita nya ang nasa aking kamay.
Hinahanap nya pala tatlong larawang kupas,
Kung saan alaala nila ay di lilipas.


Sa mga nakabasa na ng aking isinulat, ito po ay sadyang kathang isip lamang. Di ko po kilala si Teresita na naging isa sa karakter ng aking isinulat. Sana po ay nagustuhan niyo.

Ito po ay ang aking entry para sa patimpalak ni @jassennessaj.

Kung gusto nyo pong sumali, basahin lamang po ang artikulo sa baba.

Announcing "Word Poetry Challenge" #1. Tema : "Larawang Kupas" | Tagalog Edition

Salamat kabayan! :)

Sort:  

Ito'y kahanga-hanga. Napakagaling ng pagkalikha kabayan!

Salamat din sa pagkakataong ito @jassennessaj. Ito'y unang tula na nailikha ko para sa steemit. :)

Lubos ang aking galak dahil sa paligsahang ito, dito mo napamalas ang iyong angking talento sa pagsulat ng tula :D

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by kyanzieuno being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Napakaganda, nakakabighaning katha, mahusay

Salamat sa iyong komento @cradle. Salamat din sa pagbasa ng aking tula.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64383.21
ETH 3098.60
USDT 1.00
SBD 3.89