Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago

ANG HAWAK KONG LARAWANG KUPAS

Sa napakaraming taon ng nakalipas
Tanging larawang kupas mo na lang ang aking hawak
Isang bagay na nagpapaalala ng iyong ganda
Oh aking ina

------|@|------|@|------|@|------|@|------

Sa tuwing nasisilayan ko ang iyong larawan
Ang tangos ng iyong ilong
Ang maamo mong mukha
Napagtanto kong kay ganda mo pala talaga

------|@|------|@|------|@|------|@|------

Sa nabibilang na taon na kitay nakasama
Sa iilang kaarawan ko na tayo'y masaya
Sa pagmamahal mong sa ibang paraan mo pinapakita
Alam kong pinilit mong magpaka-ina

------|@|------|@|------|@|------|@|------

Pagsisihan ko man ang pagkatwa ko sa 'yo
Sa mga ginawa mong di ko naintindihan masyado
Pinilit kitang tanggapin
Dahil ayokong sa galit maging alipin

------|@|------|@|------|@|------|@|------

Hindi man naging perpekto ang ating pagiging mag-ina
Alam kong sinubukan mo
Ang iparamdam sa akin ang iyong pagmamahal
Kahit pa nga ba pinamigay mo ako sa iyong ina

------|@|------|@|------|@|------|@|------

Sa luha na bumubuhos sa aking mata
Larawan mong kupas ang hawak ko tuwina
Dahil ang pangungulila ng isang anak sa inang lumisan
Sadyang di na mapagtatakpan ng kahit ano man

------|@|------|@|------|@|------|@|------

Ngayong ako'y isang ina na
Pilit kong inalala ang iyong dating mabubuting naipakita
Ginawang ehemplo sa pagpapalaki sa aking anak
Na halos kapareho mo umasta

------|@|------|@|------|@|------|@|------

Maligayang Araw ng mga Ina oh aking mama
Sana'y marinig mo ang pagbati nawa
Nitong anak mong naiisip ka sa tuwina
At tanging larawan mong kupas na lamang ang nagpapasaya

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Likha ni : @mcamayra . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

[Para sa lahat ng ina sa mundo. Para sa mga anak na nawalan na ng ina. Para sa mga anak na piniling patawarin ang inang nagkasala sa kanila. Para sa lahat ng taong nagpapakaina para sa iba. Para sa mga anak na nagiging ina na rin.]

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by mcamayra being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.33
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66363.68
ETH 3207.73
USDT 1.00
SBD 4.27