Naatasan maging isang Hurado

in #wordchallenge6 years ago (edited)



Dibdib ko'y magkahalong tensyon at kaba ang nararamdaman
Nang matanggap ko, imbitasyon galing sa isang bagong kaibigan
Imbitasyon na ni minsan hindi ko naranasan
Pangyayari sa buhay kong di malilimutan

Mensahi'ng galing sa kagalang-galang na Ginoo
Imbitasyon mong ako'y gawing hurado
Talagang ako'y nasiyahan sa pasya mo
Subali't di ko mawari ang nararamdaman ng puso ko


Isang kagalakan na ako'y iyong napili
Pagiging hurado, di man ganito kadali
Pagsisikapan ko, nang sa iyo'y makabawi
Tiwala mo di sasayangin kahit kunti


Masusing pagbabasa ay kinakailangan
Nang sa ganoon akda ay maiintindihan
Kailangan tumatagos sa puso at isipan
Kahit ito'y hango sa totoong buhay o likhang isip lamang


Iilang akda palang ang aking nabasa
Oras nang pagdedesisyon ay palapit na
Ngayon palang ako'y hirap na hirap na
Utak at puso ko'y halos mabibiyak na


Bawat akdang nilalahok ay sadyang magaganda
Labanan sa paligsahan ay magkadikit na
Ilang araw nalang ang natitira
Kaya kayong wala pa, magsumite na


Dahil sa darating na araw ng pagpapasya
Baka di mo akalaing ikaw na
At isa sa nananabik ng sagot sa katanungan na
Sino kaya ang bukod tanging karapat dapat sa korona?


Sort:  

As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!

Ang husay naman ng pagkagawa mo nito Ginang @mhelrose. Grabe siya oh... Ginalingan na naman... Maayos mong naipadama ang iyong nararamdaman. Tumagos sa aking puso't isipan. 🙌📝👏👏

Hehehe hello po @chameh 😊. Naging masaya po ako at ika'y napadaan.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63134.74
ETH 3052.94
USDT 1.00
SBD 3.81