Word poetry challenge #1: Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago (edited)

magandang gabi po sa lahat ito ay hango sa tunay na nangyari, ako po ang orihinal na ma akda.

IMG_1272.JPG

"Larawang Kupas"
(AMA)

May nasulyapan akong larawan.
Sa aming lumang bahay yari sa kawayan.
Pinulot ko at itoy aking pinagmasdan.
Ama, ikaw pala ilang taon na ang nagdaan.

Bigla ko tuloy naalala ang buhay natin dati.
Sinasama mo akong pumalaot pero lagi akong tumatanggi.
Kaya kong umaalis ka hinahayaan muna ako sa tabi.
Inako muna lahat para mayroon tayong pambili.

Gusto ko pong tumulong pero nahihiya ako.
Pinagtatawanan kasi nila ako dahil mahirap lang tayo.
Hindi ko sinasabi kasi po baka magalit kayo.
Naaawa po ako sa twing nahihirapan ka pilit ko lang itong itinatago.

Pag aral ko ng kolehiyo hinahatid nyo pa ako sa sakayan.
Nagmamadali akong naglakad para di nyo ako maabotan.
Minsan nga nag hatid ka ng bigas sa aking tinitirahan.
Tinanggap ko ng walang pasasalamat at bigla kitang tinalikuran.

Ama alam nyo po ba sa babae akoy umibig at nasaktan.
Naloko po ako at ngayon ko lang lahat naintindihan.
Hindi man po parehas ang ating nararamdaman.
Nagsisisi po ako ngayon sa aking nagawang kasalanan.

Alam nyo po ba pinag aral ulit nila ako.
Wala kaman sa oras na mag tagumpay ako.
Ikaw po ang dahilan ng aking pagbabago.
At sisiguradohin ko sayong matino na po ako.

Inako ko na po lahat ng gawain sa bahay.
Hindi na po ako nahihiyang pumunta sa bukid kahit nadudumihan ang aking kamay.
Lagi ko na rin pong kinukumusta si ina.
Pumupunta ako ng dagat para may pang ulam syang isda.

Hindi ko man po nasabi o naipakita na mahal kita.
Sana'y malaman mong mananatili ka sa aking ala-ala.
Katulad po ng larawan kahit kupas na.
Lumipas man ang panahon hindi maaalis ang halaga.

ito po pangalawang entry ko @jassennessaj

Sort:  

Aking ama tanging patawad nalang ang nasasambit.
Kinahiya ka noong ako ay isang bulilit.
Ngunit ngayong ako ay may isip na at natanto.
Iyong mga turo yan ang laging naging gabay ko.

Maganda po ang tula, kaso para sa akin medyo lumayo lang po ng bahagya sa tema ng tula. Naging parang isa itong tula para sa ama at hindi patungkol sa larawang kupas. Yung daloy at yung tugma ay ayos parin po.

ganon po..mraming salamat..tatandaan ko po ang iyong turo

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66077.75
ETH 3167.77
USDT 1.00
SBD 4.01