Word Poetry Challenge #10 : Pangarap

IMG_20180714_065233.jpg

"PANGARAP"

Nasunog na ang kilay sa kakaaral.
Nauubos na ang kandila sa kakadasal.
Minsan umaalis na wala pang almusal.
Wala pa kasing nabentang kalakal.

Mga pawis ay malapit ng maubos.
Ang dugo'y naguumpisa ng bumuhos.
Maabot lang ang minimithing pangarap.
Para ang pamilya'y hindi na maghihirap.

Malupit man ang daloy ng buhay.
Ngunit hindi himala ang aming hinihintay.
Ang gabi ay ginagawa naming araw.
Lampara man ang aming ilaw.

Pinaghihirapan ang aming kinakain.
Pinagtatrabahoan ang lapis at papel na bilihin.
Para sa pagdating ng bukas o makalawa.
Kaming lahat ay patuloy ng tatawa.

Magsisikap akong maabot ang pangarap.
Hindi ako mahihiya sa tao'ng humarap.
Wala akong pakialam kung ito'y nasa toktok.
Aabotin ko ito kahit saan mang sulok.

salamat sa pagbasa.

Sort:  

perfect ka jan eh kunti lang boto.nyahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64837.84
ETH 3174.86
USDT 1.00
SBD 4.17