Word Poetry Challenge #20 : Tulay

tulay.jpg
pinagkunan

"TULAY"

Naabot ang pangarap.
Kahit gaano to kahirap.
Tubig man ay nakaharang.
Hindi ito naging hadlang.

Yari man sa semento o kawayan.
Ang mahalaga ito ay maapakan,
Para magpatuloy sa pupuntahan,
At makarating sa paroroonan.

Ito man ay ordinaryo'ng tulay.
Nagsisilbi pa rin ito'ng gabay.
Hindi na kailangan ng barko o bangka.
Upang makatawid sa kabila.

Sinisira man ng bagyo o baha.
Kailangan agad ito'ng magawa.
Upang ang lahat ay 'di maabala.
Tao, hayop at sasakyan'g pang lupa.

Huwag lang masyadong bigatan.
Baka ito'y hindi nya makayanan.
Nakaangat sya sa ibabaw ng tubig at lupa.
Anong oras man ay pwede syang magiba.

Salamat sa pagbasa

Sort:  

I miss these Talents. Thank You Sir

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63458.69
ETH 3084.37
USDT 1.00
SBD 3.99