Word Poetry Challenge #6 : Aking Ina

IMG_20180525_090750.jpg photo is mine and its my real mother. Gusto ko lang malungkot kaya ginawa ko ang tulang ito, kathang isip kung baga.

"Aking Ina"

Siyam na buwan mo akong dala.
Minsan nahihirapan kana.
Sumasama minsan ang 'yong nararamdaman.
Habang nasa loob mo ako ng iyong tyan.

Iniluwal mo ako dito sa mundo.
Kahit buhay mo'y naka taya dito.
Kabilang bahagi ng buhay ay sementeryo.
Pero pinagdasal mo na mabuhay ako.

Hindi ko alam ang 'yong hirap.
Isinuko mo ang iyong pangarap.
Para sa'king magandang hinaharap.
Animo'y bituin na kumikislap.

Nay, hindi ko alam ang sasabihin.
No'ng malaman kong ikaw na ay sakitin.
Umiiyak ka daw sa lihim.
Tinanggap ang sitwasyon ng taimtim.

Nay, naalala mo ba ng natuto akong maglakad.
Tuwang tuwa ka habang hawak mo aking palad.
Ipinamulat mo sa akin ang mundo ay masaya.
Kahit minsan ay nahihirapan kana.

Hindi ko malimutan ang mga sinabi mo.
"Anak, medyo tumanda na ako.
'Wag kang mag alalang iwan ako.
Hindi aalis si nanay dito".

Umiyak po ako sa lihim nay.
Ayoko kayong iwan ni tatay.
Ngunit kailangan kong lumayo.
Para masuportahan ko kayo.

Hindi maubos ang gusto kong ipadama.
Dahil sa mga init na yakap na aking dala,
Na binibigay mo kahit wala kana.
Mananatili kang ginto sa'king ala-ala.

Salamat po, nay.........

Salamat po sa pag basa

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70391.42
ETH 3572.68
USDT 1.00
SBD 4.74