Word Poetry Challenge #10 : Pangarap

in #wordchallenge6 years ago (edited)

dream-filter-infrared-2222.jpg
source

Ano itong nasisilayan kong kakaiba?
Sa maninipis na puting usok nagsimula;
Namuo, kumpol kumpol na ulap ng pag-asa
Ngunit puso't isip ko lang ang makakakita.

Mga maninipis na ulap ang bumabalot --
Dugtong dugtong na pangitaing nais maabot,
Ibayong saya at lakas ang naidudulot
Sa yaring kaluluwang pagal at nalulungkot.

Sa pangitain nakikita ko ang sarili,
Narating ang panahong hindi pa nangyayari;
Isang matagumpay na eksena ang nabuo
"Pangarap" ba kung ituring ang senaryong ito?

Siguro'y ito na nga, pangarap na sabi nila
Mabuting bagay na inaasam ng kaluluwa;
Umaasa na magkatotoo balang araw
'Di pababayaang basta na lang malulusaw.

Ang pangarap na ito ang s'yang bibitbitin ko
Habang naglalakbay pa ako sa mundong ito;
Landas ng tagumpay ang tiyak na tatahakin
Kapag laging isa buhay ang pangarap natin!

At pangarap ko'y itinala sa puting papel
Na kasing taas at tayog ng tore ni Babel,
Isinulat ko din ang mga dapat na gawin
Upang nabuong pangarap, tiyak na kakamtin!

Gayunman ay sa Poong Maykapal nanalangin
Na mga pangarap ko'y Kanyang pagpapalain,
Dahil higit pa sa kaya't magagawa natin
Ay may Tagapaglikha na gagabay sa atin!

Ito po ang aking entry para sa patimpalak na inanunsiyo ni kabayang @jassennessaj sa link na ito: https://steemit.com/wordchallenge/@jassennessaj/word-poetry-challenge-10-pangarap-or-tagalog-edition
Maraming salamat po!


=======V=0=T=E==F=O=R========
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @jerrybanfield, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

=======S=T=E=E=M=G=I=G=S=======
Much love, God bless!

Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of motivation and inspiration

received_10155497086120785.png

Sort:  
Hello.😊

Salamat kabayan sa isang napaka gandang tula at sadyang punong puno ng emosyon.

Congratulations @nantzjbalayo, your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.

You may check the post here.

@cheche016 here


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.


See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

Maraming salamatcpo @bestofph .. Pangako ..lilikha pa ako ng mas may kalidad na mga obra..

More power po sa inyong team na bumubuo ng @bestofph.

slr but a heartfelt thanks to @steemph.uae family... :)

Wooow. Just wow! you are really good at this.

maraming salamat sa support @michellpiala..


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

maraming maraming salamat po...

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66269.58
ETH 3204.67
USDT 1.00
SBD 4.24