Tula para sa edisyon ngayong linggo (Word Poetry Challenge)

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Kamusta mga lodi kong makata, sa ngayong edisyon sa Word Challenge na pinamumunuan ni sir @jassennessaj, lubos po akong nagagalak at kayo po ay naglaan ng oras upang sumali ngayong Linggo. Napakahusay nyong lahat! Ang gagaling! Ako po ay gumawa ng isang tula bilang pasasalamat na din kay sir @jassennessaj at para sa inyong mga lumahok at lalahok pa. 😊

72CEA858-4B8B-4C11-85E5-C9E5D9276075.jpeg

Dumating ang di inaasahang pagkakataon
Ang maging isang hurado ngayong edisyon
Sir @jassennessaj, asahan mo di ka nagkamali sa iyong desisyon
Sapagkat aking pipiliin ang karapat dapat na kampyon

Nagsimula na akong magbasa,
Aba! Kay ganda ng mga akda
Ako’y nalilito sapagkat ibat ibang istilo ang ginawa sa temang MASKARA
Tula na para sa pagkatao, pagkakaibigan, at iba pa

O kay husay nga naman ng mga Pilipino
Pagiging makata, sila’y tunay na talentado
Aminado ako, ako’y gulong gulo’t nalilito
Okay lang, sapagkat ito na ang pinakamasarap na sakit ng ulo

Aking pipiliin ang kakaiba
Yung tipong di man lang pumasok sa aking ideya
Syempre, kelangan andyan din ang pagkakaayos ng bawat talata
Upang aking maintindihan ang nais iparating ng tula

Sa ngayon, nabasa ko na lahat
At may napipisil na akong mga karapatdapat
Pero teka, may oras pa at pwede pang makipagtapat
Sa mga nagtatagisan na kung aking tawagin ay mga alamat

Sir Jassen, sa ngayon babatiin na kita
Maraming salamat at nagkaruon ka ng ganitong ideya
Ang patimpalak na para sa mga makata
Nawa’y ituloy lang natin ang pagtangkilik sa sarili nating wika

Pinagkuhanan ng Litrato

Makikita nyo po dito ang mga akda ng mga lumahok na makakatang Pinoy ngayong edisyon.

CE1A3443-2F11-476C-996D-C62F5B187319.jpeg

Sort:  

Huwaw. Napakahusay po nito. Nagbabasa din ako ng ibang mga akda at ako'y sobrang nagagalak. Nakakaiyak. Napakamalikhain talaga ng mga Pilipino. Huhu

Posted using Partiko Android

Oo nga eh, yung iba dinadaan tayo sa samot saring emosyon, yung iba naman sa kwela. Ang galing! Iba’t ibang atake sa tema. Mga lodi! 👍

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64664.11
ETH 3166.18
USDT 1.00
SBD 4.11