“Word Poetry Challenge #6 : Aking Ina”

in #wordchallenge6 years ago (edited)

669045A0-4A3A-40F2-A9F4-D3BF19A9C5D4.jpeg

Lumaki ako ng di kita nakikilala
Lagi kong tanong sa sarili, Inay asaan ka?
Sa bawat pagiyak ko, ikaw ang gustong makita
Haplos ng yakap mo’y kailanma’y di ko madama
Sa bawat pagtawag ko kay yaya
Aking hinihiling na sana andito ka
Sa tuwing darating ang umaga,
Ako’y nagigising na lamang na may luha saking mga mata

Maraming kaarawan sa aki’y nagdaan
Ang makita ka ang bukod tanging kahiling hilingan
Aanhin ko ang ganitong karangyaan
Kung sa araw araw ni minsan di ko naramdaman ang kasiyahan
Aking ina, walang oras na nawala ka sa aking isipan
Kahit ako’y iyong iniwan
Sa isang hating gabi na maulan
Katabi ang samot saring basurahan

Sa aking paglaki
Pilit na nagtatanong sa aking sarili
Na pati ako mismo’y di ko mawari
Dumating ang araw at gabi
Alak at sigarilyo’y aking mga katabi
Hinihiling na sa paghithit ng yosi
Sa paginum ng alak ng marami
Kalungkutan sana ay mapawi

Nangungulila at naghihinagpis ang aking puso
Napatanong sa diyos, “Ama, bakit ako?”
“Karapat dapat ba akong magdusa ng ganito?”
Pinikit ang mata at pinagdikit ang dalawang kamay ko
Habang ang luha ay tuloy tuloy na tumutulo
Hanggat ako’y nakatulog at nanaginip ako,
Umiiyak, humagulgol ang isang ina sa kwarto
At nang lalapitan na kita, mukha ni yaya ang nakita ko

Hangga’t akoy nagising na lamang ng isang umaga
Nanginginig, di mapakali, naluluha
Nakita ko ang isang larawang kina tago -tago ni yaya
Imahe ng sanggol na kalung kalong nya
Tumakbo, nagmamadali papunta sa kanya
Paa’y di maihakbang habang umiiyak sa tuwa
Niyakap ng mahigpit sabay halik sa mukha nyang punong puno ng luha
Pagkakataong inantay kong tawagin akong anak at tawagin ko syang aking ina

Pinagkuhanan ng Imahe

Salamat sa pagbabasa!

3270C814-1FB3-45AC-97B2-564A4A080863.jpeg

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Si yaya pala ay si inay! Na-shock ako sa revelation! Huhubels
Mahusay pu ang pagkakalikha mu sa tulang ito @oscargabat at naantig ang aking puso.

Maraming salamat sa magandang komento @lingling-ph. Ang akdang ito ay upang magbigay ng saludo sa mga inang nagpapa ampon ng kanilang anak sapagkat ito’y habang buhay na sakripisyo para lang mabigyan ito ng magandang buhay sa hinaharap. Kailanman ang ina ay mananatiling ina, na hindi kayang tiisin ang anak na nagdudusa. Salamat ulit. 😊


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64057.95
ETH 3104.17
USDT 1.00
SBD 3.90