“Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas”

in #wordchallenge6 years ago (edited)

4037E8F3-7DFD-4341-B2BA-51D850B1FACA.jpeg

Nuong ako’y elementarya
Naalala ko, kami ay naguunahan sa linya
Kami na naman ay magbibigay pugay sa isang bandila
Na mayroong kulay dilaw asul at pula

Ako’y labis na nagtataka
Bakit maraming tao ang nagbibigay dito ng halaga?
Akala ko dati isa lang iyong tela
Ayun pala, yun ang watawat ng ating bansa

Hangga’t akoy tumanda
Akoy kumuha ng pulisya
Watawat ng pilipinas aking nakikita kahit saang banda
Meron ding nakaukit sa taas ng aking bulsa

Serbisyo sa bayan di kailanma’y magsasawa
Aking lalabanan ang anumang klaseng anumalya
Taas noo na magtatrabaho ng tama
Sapagkat pangalan ng ating bansa ang aking dinadala

Bandila ng Pilipinas aking iwawagayway
Sa mga kapulisan na nagtatrabaho ng matiwasay
Di matitinag sa mga malalaking perang iniaalay
Dahil ako, isang Pilipino na nagtatrabaho ng tunay

Watawat ng pilipinas , sa pamilya ko’y binigay
Sa isang malaking kahon, sa taas nito’y inilagay
Ayun na pala, ang katapusan ng aking buhay
Sapagkat sa ating inang bayan, handa akong mamatay

Salamat po sa pagbabasa!

Sort:  

mahusay mahusay mahusay!

saludo ako sa iyong tunay na pagpapahalaga
kahit sa karamihan ito ay isang tela
labis kong ikinatutuwa ang mga taong tulad mo
sapagkat bihira na lang tayo sa mundong ito.

ahaha husay mo men!!! 👏👏👏

Ayown oh! Bumanat ka na naman Ma’am @melanie0625, ang galing mo talaga pagdating sa mga ganyan Ma’am!

nadadala mo kc ako sa mga tula mong hindi ko makita sa iba
ang tula mong may puso na, aba! eh napakalalim pa
saan nga ba nagmumula ang mga hugot mong werpa?
talaga namang napakahusay mong bata ka! ahahaha

Ang galing naman oh. Salamat Ma’am! Sama ka sa mga ganitong patimpalak Ma’am. Total humuhusay ka na oh.😁

subukan ko manong haha salamat sa appreciation.. haha

As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!

isa ka pong magaling na tagakwento
isa kang lodi
napakaganda ng plot twist sa dulo
maraming salamat p osa pagsali
good luck

Maraming salamat po sir @beyonddisability, sapagkat yan po agad ang pumukaw sa aking imahinasyong nang mabasa ko ang tema sa edisyong ito. Isa ka rin pong Lodi! 👍

Marami pong salamat. Nahirapan ako magdesisyon. Humingi ako ng tulong para sa karagdagang mga boto. Good luck po

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

great job in dissecting the meaning of our national colors... I appreciated your hard work and creativity and I suggest that try to learn more ways to deliver a poem to improve more with your niche... goodluck and congrats

That means a lot. Thank you sir! 👍

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64999.89
ETH 3101.81
USDT 1.00
SBD 3.87