"Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw"

in #wordchallenge6 years ago

BlogPostImage
Image Source

"Huling Sayaw"

by @rigor

Oh! Kay sarap balikan
Bawat galaw at hakbang na ating pinagsaluhan
Sayaw na nagbuklod sa ating damdamin
Sayaw na nagsilbing alaala at paalam narin

Ating balikan ng pista sa nayon
Tadhana tayo'y binigyan ng pagkakataon
Na magkatambal sa isang piging ng sayawan noon
At ang puso natin naging isa ang emosyon

O! Binibini ako'y iyong binihag
Sa iyong gandang makamandag
Sa iyong galaw ako'y napapaindak
Napapangiti dulot sa dama kong galak

Indayog mong kaaya-aya, ako'y nahahalina
Tugmang tugma sa kanta at kasuotan mong magara
Waring si Cinderella na aking nakasama
Pagpatak ng alas dose biglang naglaho sa aking mga mata

O! Mahal bakit ako'y iyong nilisan
Lambot ng iyong kamay sa balikat ko'y hindi ko maiwasan
Mukha mong maganda sa isang iglap namutla
Sa putok ng baril naglaho na parang bula

Di ko alintana ang panganib na dumating
Sinisisi ang sarili, bakit iyon ang naging daloy ng hangin
Panginoon dinggin ang aking munting hiling
Kahit sa panaginip siya muli'y maging akin

Pangarap ko'y ika'y muling makasama
Pagdating ng araw sana'y muling maulit pa
Upang madama ang walang hanggang ligaya
Sa huling sayaw na tayo ay magkasama

Gayon pama'y ako ay nagpapasalamat
Sa kaunting panahon na tayo ay nagkalapat
Pag-ibig mo sa akin ay marapat
Nararapat at higit pa kay sa sapat

Maraming salamat sa pagbabasa at sana'y inyong nagustuhan. Ito po pala ang aking entry sa patimpalak ni @jassennessaj.

rigor.png

Sort:  

Exclusive PROMO

Get 20 upvots and 10 followers only for join the site.
The 20 upvots worth 1SBD so why wait get it quickly before the campaign over.
CLICK HERE TO JOIN

Ganun talaga kaya tayo iniiwan ng mga taong gusto natin kasi....

Baka parehas kaliwa ang paa natin at natapakan na pala natin ng di sinasadya ang kanilang paa.

Good luck po sa patimpalak.

P.S. Yung image souce nagkakaroon ng error

Ganon talaga, maraming salamat sa pagbabasa sa aking tula.

Ayts walang anuman @rigor

Coin Marketplace

STEEM 0.33
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66407.27
ETH 3219.07
USDT 1.00
SBD 4.34