Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago

Maluwag na ang kuwartong dati’y ating pinag aagawan
Tahimik ang telebisyong noo’y ating pinagtatalunan
Ang mga sulok ng bahay, ngayo’y wala nang nakakalat na laruan
Ang mga libro at pigurin, maayos na laging nakasalansan

Sa paghuhugas ng pinggan, ngayo’y wala nang nagtuturuan
Mga damit na tiklupin, nangunti na rin, mga damitan, halos wala nang laman
Wala nang nagsisigawan, naghaharutan, nagtatawanan, nagkukulitan
Wala nang bangayan, pagtatalo at pagsasakitan

Hindi ko akalaing ang lahat ay magiging isa na lamang alaala
Lahat ng iyakan at tawanan, dayaan at paglalamangan
Na darating ang panahong bindi na tayo maglalaro ng habulan
Na hindi na natin pananabikan ang pagtatagu-taguan

Noon, hindi ko naisip na tayo’y tatanda;
Tatahak ng landas na iba-iba
Haharap ng matitinding problema
Minsan may kasama, minsan mag-isa

Pero lagi mong tatandaan, majal kong kapatid
Saan man tayo dalhin ng ating kapalaran
Anumang landas ang naisin mong tahakin, liko liko man o matuwid
Isang tawag mo lamang ang iyong ate, agad agad paririyan

Lahat ng ating pinag awayan, pinagtalunan
Lahat ng ating pinagsaluhan at pinag agawan
Lahat ng iyon ang nagbuklod sa ating samahan
Dahil ako ang iyong ate, hinding hindi kita iiwanan
PSX_20180510_220727.jpg

Sort:  

2 lang typo mo hindi na naging bindi at mahal na naging mjal hehe Nakasalamin ka ba kanina? Single kapatid mo? Ehem ehem haha. Tiyak hindi ka boto sakin kung saka sakaling single kapatid mo lels.

Hindi ko nga suot ang salamin ko. Haha. At hindi, bagong kasal siya. Noong March lang. Wala naman yan sa boto ko, ang tanong ay kung papasa sa kanya. Hahaha

Charot lang iyon haha. May sabit na pala. Nga pala may sasabihin ako sa'yo sa discord. Announcement ng mga curators.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63811.67
ETH 3092.68
USDT 1.00
SBD 3.86