Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

in #wordchallenge6 years ago

IMG_20180510_193533.jpg

"LARAWANG KUPAS NG AKING ANAK"

Kislap ng mga mata, sa wari'y umaawit...
Ngiti ng mga labi, na kaysarap na madampi.
Malambot na mga kamay na kay sarap langhapin,
Animo'y bulak na kaysarap damhin.

Taon ang lumipas, ng larawang kupas...
Subalit sa aking wari'y kahapon lang ang lumipas.
Kay sarap pagmasdan ng iyong larawan...
Subali't sa puso ko ay may dulot na lumbay.

Ninais kong mahawakan at mayakap ang mainit at malambot mong katawan...
Nagdudumali na ikaw ay matunghayan.
Subalit, datapuwat, kay lupit ng kapalaran,
Kaytigas at Kaylamig ng aking matunghayan.

Tanging ang iyong larawan ang sa tuwina'y minamasdan...
May kirot sa puso, at ang mata ay luhaan.
Lahat ng bagay at buhay ay lumilipas,
Subalit ika'y mananatili sa larawang kupas.

Isang patimpalak ni Ginoong @jassennessaj at kung ninanais mo na makilahok sa patimpalak, mangyari na tunghayan ang paraan sa Poetry Challenge" #1. Tema : "Larawang Kupas" | Tagalog Edition
mangyari lamang na ito ay pindutin.

Maraming salamat sa inyong pagdalaw.

U5duB587ZCK4fWezgt5hopPYEogvSwo_1680x8400.jpg

Please support @surpassinggoogle as witness.
To vote his witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
Please take some imaginary @teardrops token.
Everyone have something to offer https://steemgigs.org

DQmarWRv4wXiqPZbmtDCDRTwE5jewDQrG1ATrXcFrTThxht.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64615.49
ETH 3112.63
USDT 1.00
SBD 3.84