Word Poetry Challenge #17 : Guro

in #wordchallenge5 years ago (edited)


Magandang buhay mga kabayan! Sapost na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang aking lahok para sa patimpalak ni @jassennessaj na Word Poetry Challenge #17. Kung nais ninyong lumahok sa patimpalak na ito, paki-click sa link sa itaas.

Napaka-timely ng tema ngayon kasi kamakailan lang ay ipinagdiwang ang "Araw ng mga Guro". Kaya ang tula kong ito ay inaalay ko sa aking mga guro at sa lahat ng mga guro sa mundo. :)




GURO



Ang munting tula kong ito
Ay iaalay ko sa inyo
Kayo na humubog ng aking pagkatao
Kayo na gumabay sa akin at nagturo

Mga minamahal kong guro
Si mam at si sir na walang sawang nagpapayo
Lubos akong nagpapasalamat
Kayo po ay isang tunay nga alamat

Noong ako ay nag-aaral pa sa paaralan
Samu't-saring kaalaman at karanasan ang nakamtan
Mga panahon na inimulat ko aking mga mata
Natuklasan ko na ang edukasyon ay napakahalaga

Kayo po ang naging gabay
Sa aking mahabang paglalakbay
Tumayo kayong pangalawang magulang
Sa mga maraming mag-aaral, kayo ay di nagkulang

Ang inyong kadakilaan at napakabuting kalooban
***Ang pumukaw sa akain na tahakin ang parehong daan ***
Ang daang napakahirap pero may taos na layunin
Na alagaan ang kabataan upang tamang landas kanilang tahakin


@tegoshei





Ang larawan na ginamit ko sa itaas ay kuha noong ako at aking mga kasamahan sa English Academy ay nagkaroon ng Team Building.

Sort:  

Hanep na hanep brad @tegoshei. Talagang ginalingan. God bless!

ahahah... maayo ning ingun ani brad maba-id slight atong Tagalog ba... :) Salamat... ^^

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70733.96
ETH 3563.16
USDT 1.00
SBD 4.76